Connect with us

Showbiz

Herlene “Hipon Budol” nakatanggap ng Php100,000 na tulong mula sa vlogger na si Wilbert Tolentino

Published

on

Hulyo 25, 2021 nang mapanuod natin ang naging panayam ng batikang host at aktres na si Toni Gonzaga kay Herlene “Hipon” Budol. Talaga namang marami ang nasorpresa nang malaman ang mga personal na bagay tungkol sa masayahing TV personality.

Minsan na siyang napanuod at sinubaybayan sa programa ni Kuya Wil na Wowowin kung saan isa siya sa mga naging co-host ng programa. Hindi man nagtagal ang relasyon ng kaniyang mga magulang dahil sa nauwi ito sa hiwalayan ay napalaki naman siya ng maayos ng kaniyang lolo at lola at labis niya itong ipinagpapasalamat.

Dahil na rin sa pandemya ay hindi inaasahan ni Herlene na maapektuhan ng husto ang kaniyang trabaho. Unti-unting naubos ang kaniyang kaunting ipon at nawalan ng pag-asang matulungan pa ang kaniyang pamilya.

Hindi na niya napigilan pang maluha at maiyak ng tuluyan nang ibahagi niya ang kaniyang tunay na saloobin patungkol sa nararanasan nila ng kaniyang pamilya sa ngayon. Nasorpresa din naman siya ng husto dahil lahat ng kikitain ng kanilang video na mayroon nang higit sa 8.5 million views ay mapupunta para sa pampagawa nila ng bubong.

Muli na namang gumawa ng paraan ang tadhana upang matulungan ang masipag na apo. Naging guest su Herlene ng sikat na vlogger na si Wilbert Tolentino kung saan siya naglaro ng “Pera o Kaldero”.

Php100,000 ang maaari niyang mapanalunan dito. Ang hindi niya alam ay “Bokya” lahat ang laman ng sampung kaldero.

Sa isang hiwalay na kaldero ay narooon ang Php100,000 na ibinigay sa kaniya ng buong puso ni Wilbert. Marami ang pumuri at humanga sa kaniyang ginawa.

Labis na nagpasalamat si Herlene sa biyayang natanggap at nangakong ilalaan niya ito para sa kaniyang negosyo na mga t-shirts at sa balak na negosyo ng kaniyang ama na mga “feeds”. Tiyak na mas paghuhusayan pa ni Herlene ang kaniyang mga ginagawa ngayon tulad ng vlogging at pagnenegosyo dahil sa mga taong ito na nagnanais na tumulong at sumuporta sa kaniya at sa kaniyang pangarap.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media