Connect with us

Viral

Dating pulubi, nakapagtapos bilang isang “honor student” at nakapasa rin sa entrance exam ng UP, Ateneo, at La Salle!

Published

on

Ang edukasyon ang isa sa pinakamahalagang bagay na dapat nating pagtuunan ng pansin bilang isang kabataan. Sa Pilipinas kasi, kailangan mong makapagtapos ng kolehiyo upang makapagtrabaho ka sa isang magandang kompanya.

Photo credit: KMJS

Marami pa nga sa ating mga propesyonal nang manggagawa ang patuloy pa ring nag-aaral para sa promosyon. Hindi tulad ng ibang mga kabataan na mayroong mga taong palaging nakasuporta sa kanila, maaga namang namulat ang estudyanteng si Eugene Dela Cruz sa hirap ng buhay.

Photo credit: KMJS

Siya ay nakatira ngayon sa Hilongos, Leyte. Maraming mga netizens ang humahanga sa kaniya dahil sa siya ang kauna-unahang senior high school student na nagkamit ng mataas na marka sa kanilang naging virtual graduation.

Lingid sa kaalaman ng marami ay dati palang naging pulubi si Eugene. Maagang nagkahiwalay ang kaniyang mga magulang noong siya ay 5 taong gulang pa lamang.

Photo credit: KMJS

Sa kaniyang lola na siya tumira ngunit pinalayas siya dahil sa kaniyang tunay na kasarian. Wala siyang dala kahit singko nang mga oras na iyon kung kaya naman kinailangan niyang mamalimos upang magkaroon ng laman ang kaniyang sikmura.

Photo credit: KMJS

Kalye ang naging tirahan niya noon bilang isang palaboy na madalas ay natutulog lang din sa ilalim ng tulay at gilid ng riles. Nagkaroon din naman ng kaibigan si Eugene, si Pao Velasco na naging piping saksi sa kaniyang mga naging mahirap na karanasan noon.

Tatlong taon pa ang lumipas at natagpuan na ni Eugene ang kaniyang ama na siyang nagdala naman sa kapatid ng kaniyang madrasta na si Elsa Pilonggo. Ayon kay Elsa, nagdalawang-isip talaga siyang kupkupin ang batang si Eugene dahil wala din naman talaga siyang perang pangtustos dito.

Photo credit: KMJS

Ngunit dahil naawa siya sa bata ay ninais na rin niya itong tulungan. Ngayon nga ay patuloy na nangangarap si Eugene na maging isang abogado.

Sa katunayan nga ay nakapasa na siya sa entrance exam ng UP, Ateneo, at La Salle.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media