Connect with us

Showbiz

Assunta De Rossi at anak niyang si Baby Fiore, hindi nagpakabog sa kanilang mga cute na OOTDs!

Published

on

Madalas na nating marini ang kasabihan na “Hanggang may buhay, may pag-asa.” Tunay nga na marami tayong kinakaharap na mga pagsubok sa araw-araw at nagsusumikap tayong gawin ang lahat ng ating makakaya upang mapagtagumpayan ang mga ito.

Ngunit darating at darating din talaga tayo sa punto kung saan nanaisin na nating sumuko dahil sa tagala ng panahon na naging paghihintay natin. Kadalasan, ito na lamang ang magiging sagot sa ating mga dalahin ngunit hindi ito ang naging paniniwala ng aktres na si Assunta De Rossi.

Siya ay si Maria Assunta Tiotangco Schiavone sa tunay na buhay. Isa siyang kilalang aktres at modelo sa industriya ng showbiz.

Pinabilib niya ang publiko sa kaniyang pambihirang talento at sa kaniyang nakakabighaning kagandahan. Hindi na nakapagtatakang mahulog ang loob nila sa isa’t-isa ng pulitikong si Jules Ledesma.
Taong 2004 nang sila ay magpakasal. Naging kontrobersiyal ang kanilang kasalan noon dahil sa 22 taong gulanag lamang siya nang sila ay magpakasal habang 41-anyos naman si Jules.

Sa tagal ng kanilang pagsasama ay kamakailan lamang sila nabiyayaan ng anak. Kung kailan susuko na si Assunta na maging isang ina ay saka naman niya ipinagbuntis ang kanilang “miracle baby” na si Giulia Fiorentina Alessandra o si Baby Fiore.

Napakabilis ng panahon dahil siyam na buwang gulang na ang anak nina Assunta at Jules. Sinong mag-aakala na sa edad na 37 ay matutupad pa ang matagal na niyang dalangin na maging isang ina?

Hindi din naman ito pinalampas ng aktres dahil bawat sandaling magkasama sila ng kaniyang anak ay wala siyang sinasayang na pagkakataon upang mairamdam dito kung gaano niya ito kamahal. Laking pasasalamat din naman ni Assunta sa mga taong nagdasal at sumuporta sa kaniyang naging pagbubuntis.

Napakagaganda ng mga OOTDs ng mag-ina at madalas ay naka-terno pa sila ng mga kasuotan. Hindi maipagkakailang masayang masaya ngayon si Assunta sa pag-aalaga at pagpapalaki ng kanilang anak na si Baby Fiore.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media