Connect with us

Showbiz

Anak nina Oyo Boy at Kristine Hermosa na si Vittorio Isaac, kinagiliwan ng publiko dahil sa iba’t-ibang moods nito sa kaniyang mga larawan!

Published

on

Marahil ay marami sa ating mga Pilipino ang talagang magiliw sa mga bata. Kapag kasi nakakakita tayo ng mga bata ay tila ba nakakaalis kaagad ng pagod sa simpleng ngiti at kislot lamang ng mga ito.

Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang “blooming” at “young-looking” na mga larawan ni Kristine Hermosa-Sotto. Sa larawan na ito ng aktres ay makikita ang napakacute na larawan ng kaniyang bagong silang na anak na si Baby Vittorio Isaac.

Kasama din nila sa larawan ang kaniyang mister na si Oyo Boy Sotto. Talagang umani ng maraming mga komento at papuri sa publiko ang larawan na ito ng aktres dahil hindi naman lahat ng mga babaeng nanganganak ay kasing ganda at kasing “fresh” niya tulad nang nasa larawang ito.

Nagbahagi din namang muli si Oyo Boy ng ilang mga larawan ng kanilang baby no. 5 kung saan makikita ang ilang mga emosyon nito. Sa unang larawan ay makikitang napakasarap at napakapayapa ng tulog ng sanggol.

Sa sumunod na larawan ay kitang-kita ang sobrang pag-iyak nito. Buti na lamang at alam na alam na ng mag-asawa kung paano alagaan ang kanilang munting sanggol lalo na at panglimang anak na nila ito.

Sina Oyo Boy at Kristine ay mayroon pang apat na mga anak sina Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Marvic Valentin, at Kaleb Hanns. Marami din sa mga tagahanga ng mag-asawa ang nakakuha ng inspirasyon sa dalawa lalo na pagdating sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, sa buhay nila bilang mag-asawa, at higit sa lahat ay ang matatag nilang pananampalataya.

Si Kristine Hermosa ay 37 taong gulang na aktres sa bansa. Isa siya sa may pinakamagandang mukha sa showbiz. Taong 2011 nang ikasal ang dalawa at ngayon nga ay mayroon na silang limang mga anak.

Minsang nang nagpahiwatig ang aktres na kung loloobin pa ng Diyos na biyayaan sila ng anak ay gugustuhin pa niyang magkaroon ng baby no.6. Gusto din kasi ng kaniyang anak na si Ondrea na magkaroon ng babaeng kapatid.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media