Connect with us

Showbiz

Anak ni Sheena Halili na si Martina, nagdiwang ng kaniyang ikawalong buwan bilang si Mulan na kinagiliwan ng husto ng publiko!

Published

on

Si Sheena Yvette Castro Halili-Manzanero o mas nakilala natin bilang si Sheena Halili ay 34 na taon gulang na aktres sa bansa. Minsan na siyang gumanap bilang si Monica sa 2007 hit series na MariMar at mula noon ay mas marami pang mga proyekto ang ipinagkatiwala sa kaniya.

Isa rin siya sa mga artistang may pinakamagandang mukha sa showbiz. Taong 2020 nang ikasal siya sa kaniyang nobyong si Jeron Manzanero na isang abogado.

Isinilang ni Sheena ang kanilang panganay na si Baby Martina noong ika-13 ng Disyembre, 2020. Kamakailan lamang ay nagdiwang ng ika-8 buwang gulang niya ang napakacute na bata.

Hindi nakalampas sa mga netizens ang naging bonggang mga kuha nito lalong lalo na ang kaniyang pagbibihis bilang si Mulan. Ang “action fantasy” na Mulan ay inilabas noong Marso 2020, isa na siya ngayon sa mga hinahangaang karakter sa bansa.

Hindi na bago sa ating mga Pilipio ang paghandaan ng husto ang bawat “milestone” ng ating mga anak. Kahit pa nga sanggol pa lamang sila ay ginagawa na natin ang lahat upang mabigyan sila ng hindi malilimutang mga alaala.

Tiyak na ganito din ang nararamdaman ng mag-asawang Sheena at Jeron. Nais nilang ipagdiwang ang bawat buwang lumilipas na kasama ang kanilang anak kung saan talagang makikita ang malaking pagbabago sa munting anghel na ito.

Marami din namang mga netizens at maging mga sikat na celebrities ang bumati para sa ikawalong buwan na ito ni Baby Martina. Tiyak na lalaki siyang mabait na bata at mayroong takot sa Diyos dahil sa punong puno ng pagmamahal para sa kaniya ang kaniyang mga magulang.

Hindi mahalaga ang pera at karangyaan lalo na kung para sa ating mga magulang, mas mahalaga pa rin ang kaligtasan, kalusugan at ang pangarap ng ating mga anak. Ganyan magmahal at sumuporta ang mga magulang na nagmamahal sa kanilang mga anak.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media