Connect with us

Showbiz

Anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Bektas, agaw-pansin ngayon online dahil sa angking kagandahan nito!

Published

on

Hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang sumubaybay sa kanilang mga iniidolong artista at personalidad. Mula sa kanilang pagsisimula bilang isang baguhang artista, hanggang sa nagkaroon na sila ng mga proyekto at unti-unti na ngang nakilala.

Gayundin naman ay hindi na nakaligtas pa ang buhay pag-ibig nila at maging ang kanilang mga bagong gampanin sa buhay bilang isang asawa at magulang. Kahit pa nga ang mga anak nila ay talagang nasusubaybayan pa natin ang paglaki.

Dahil na rin sa laganap na talaga ang social media sa buong mundo ngayon ay mas nagiging updated tayo sa mas marami pang mga kaganapan sa buhay ng mga iniidolo nating personalidad. Kamakailan lamang ay talagang naging agaw-pansin ang isa sa mga anak na babae ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Bektas.


Talaga naman kasing napakaganda nito at naalagaan din ng husto ang kaniyang pangangatawan. Sa edad na 18 taong gulang ay masayang masaya siya dahil sa nakapirma na siya ng kontrata sa Viva Artist Agency.

Noon pa man ay gusto na niya talaga ang pag-arte. Sa katunayan ay madalas daw talaga siyang lumahok sa mga school events nila kung saan kahit papaano ay napapamalas niya ang kaniyang talento.

Hindi na rin naging kataka-taka ito dahil mula talaga sa angkan ng mga batikan at mahuhusay na artista ang dalaga. Sa kabila nito ay hindi siya pinaghigpitan ng kaniyang ina at ng kaniyang buong pamilya.

Malaya niyang nagawa ang mga nais niya habang nakagabay sa kaniya ang kaniyang pamilya. Lolo at lola niya ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Tito niya sina Elvis, Raymond, at Richard Gutierrez. Hindi man nagtagal ang relasyon ng kaniyang mga magulang ay lumaki namang masaya si Lorin kasama ang kaniyang kapatid na si Venice.


Madalas ding nakikita ang kanilang mga posts online dahil aktibo sila sa social media. Sa ngayon ay marami ang nag-aabang sa mga proyekto na kaniyang gagawin sa hinaharap.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media