Connect with us

Showbiz

Anak ni Jhong Hilario na si Baby Sarina, kinagiliwan ng publiko dahil sa mga cute nitong larawan at videos online!

Published

on

Ang pagkakaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya ay isa sa pinakamagandang biyaya na ating mararanasan sa buhay na ito. Mahirap man ang mga obligasyon at responsibilidad na kailangan nating gampanan ay hindi pa rin nito matatawaran ang kakaibang kagalakan na nararamdaman ng mga magulang sa pagdating ng kanilang anak.

Photo credit: jhonghilario instagram

Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na naisilang na ni Maia Azores, longtime partner ni “Sample King” Jhong Hilario ang kanilang panganay na anak na pinangalanan nilanag Baby Sarina. Tulad ng ibang mga asawa at ama ay talagang walang mapagsidlan ng kagalakan si Jhong lalo na sa tuwing nakikita niya ang kaniyang mag-ina.

Photo credit: jhonghilario instagram

Madalas siyang magbahagi ng mga videos at larawan online kung saan makikita ang simple ngunit napakasayang pamumuhay nila lalo na ngayon na mayroon na silang anak. Isa sa mga nakakatuwang larawan na ipinost ni Jhong ay ang kuha kung saan natutulog ang kaniyang mag-ina sa kanilang kama.

Sakop na sakop na kasi ng dalawa ang kanilang higaan kung kaya naman napa-caption tuloy si Jhong kung saan diumano siya matutulog. Mayroon pang isang larawan ang mag-ina kung saan makikita ang magkamukhang “pose” nila habang natutulog.

Photo credit: jhonghilario instagram

Talaga namang “like mother, like daughter” ang dalawa. Hindi rin naman nagpahuli sa kaniyang mga solo pictures is Baby Sarina kung saan makikita din ang kaniyang napakacute na larawan habang mayroong preskong damit na kulay puti at tinernohan pa ng kaniyang ribbon headband.

Photo credit: jhonghilario instagram

Naglagay naman ng caption si Jhong na dalawang linggo daw silang ganoon dahil na rin sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila. Si Daddy Jhong ay mayroon ding entry online dahil sa mayroon din silang cute na video mag-ama kung saan makikitang isinasayaw niya ang anak na tuwang-tuwa naman sa kakulitan ng kaniyang daddy.

Sa ngayon ay hindi pa rin maaaring lumabas ang mga bata kung kaya naman talagang nagsusumikap ang mga magulang na libangin ang kanilang mga anak sa loob ng bahay habang patuloy pa rin ang paglaganap ng pandemya sa buong mundo.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media