Connect with us

Showbiz

Alex Gonzaga, itinampok sa kaniyang vlog ang naging pamamasada nila ng traysikel ng kaniyang mister na si Mikee Morada!

Published

on

Si Catherine Cruz Gonzaga-Morada o mas nakilala natin bilang si Alex Gonzaga ay 33 taong gulang na aktres, host, singer, komedyante, author, entrepreneur, at vlogger. Marami ang nagmamahal at sumusuporta sa kaniya tulad ng pagsuporta ng publiko kay Toni Gonzaga na ate ng aktres.

Taong 2020 nang ikasal siya sa kaniyang nobyo na si Michael “Mikee” Morada. Siya ay isa sa pinaka-kilala at pinakamahusay na konsehal ng kanilang lungsod.

Ayon sa ilang mga balita at minsan ay nababanggit din ni Alex sa kaniyang vlogs na Lunes hanggang Biyernes ay magkahiwalay sila dahil nasa Lipa ang kaniyang asawa habang Sabado at Linggo naman ay umuuwi si Mikee sa bahay ng mga Gonzaga sa Taytay. Talaga namang simple lamang ang mag-asawang ito kahit na noon pang magkasintahan lamang sila ngunit marami pa rin ang kinikilig sa kanila.

Hindi mabilang ang mga taong humahanga sa kanilang wagas na pagmamahal at kahit pa nga magkaibang-magkaiba ang kanilang ugali sa isa’t-isa ay bagay na bagay pa rin talaga sila sa isa’t-isa. Sa pinakabagong vlog ng aktres ay makikita kung gaano sila kasayang magkasama.

Namasada kasi sa vlog na ito ang mag-asawa gamit ang isang traysikel na kanilang hiniram. Sa mga naisasakay nila ay sinisingil nila ng Php5, Php10, at Php20 ngunit kapag susuklian na ni Alex ang mga ito ay bibigyan niya ng tig-500 piso pa!

Tuwang-tuwa din naman ang kanilang mga nagiging pasahero dahil sa nakasakay na sila ng traysikel na malaking ginhawa talaga sa atin ngayon umaraw man o umulan, mayroon pa silang baon na kaunting pera. Hindi naging madali ang kanilang pamamasada dahil sa hindi din naman sanay masyado si Mikee na magmaneho ng traysikel kung kaya naman buong pag-iingat siyang nag-drive para na rin sa kanilang kaligtasan.

Hindi maiiwasan na masiraan din sila ng sasakyan ngunit marami din naman ang tumulong sa kanila. Nagmeryenda sila pagkatapos ng nakakapagod na araw kung saan talagang nagustuhan nila ang mga inorder nilang pagkain tulad na lamang ng Batangas Lomi.

Bago pa man matapos ang vlog ni Alex ay sinorpresa niya ang kaniyang mister ng isang bagong traysikel bilang pasasalamat sa kaniyang pagsuporta at palaging paglabas sa kaniyang vlogs. Sinabi naman ni Mikee na hindi na ito kailangan pa ngunit sinabi ng aktres na para talaga ito sa kaniya kung kaya naman bahala na siya kung kanino niya ito ibibigay.

Napagdesisyunan nilang dalawa na ipa-raffle na lamang ito sa mga taga-Lipa na magla-like ng Facebook page ng kanilang konsehal.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media