Connect with us

Showbiz

Aktres na si Gloria Romero at dati niyang guro, muling nagkita at nagkamustahan sa programang “Tunay na Buhay”

Published

on

Si Gloria Romero ay isang 87 taong gulang na aktres sa Pilipinas. Sa 60 taon niya sa industriya ng showbiz ay marami na siyang nagawang pelikula at programa sa telebisyon kung kaya naman talagang marami ang humahanga at bumibilib sa kaniya hanggang sa ngayon.

Ayon sa ilang mga ulat, ang unang pelikula na kaniyang kinabilangan noon ay ang “Ang Bahay sa Lumang Gulod” kung saan siya ay isa lamang sa mga extra. Nakitaan siya ng potensiyal kung kaya naman doon na rin nagsimula ang pagyabong ng kaniyang karera.

Kinilala siya bilang “Queen of Philippine Movies” dahil sa mga pambirang pagganap niya sa kaniyang mga naging proyekto. Ikinasal siya sa matinee idol at sikat na aktor noon na si Juancho at biniyaan din naman sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Maritess.

Tulad ng ibang mga artista, marami na ding naging tagahanga si Gloria. Ngunit kamakailan lamang ay nabigyan siya ng pagkakataon na makilala ang isa sa kaniyang mga tagahanga na dati niya rin palang naging guro.


Siya si Lola Virgie na hanggang ngayon ay tandang-tanda pa si Gloria na isa sa mga naging estudyante niya noon sa Filipino o Ingles na asignatura. Sinabi ni Lola Virgie sa beteranang aktres sa labis siyang proud dito sa kung ano man ang narating niya ngayon bilang isang aktres at modelo.

Maliban din naman kay Gloria ay paborito din ng 100 taong gulang na si Lola Virgie sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos. Talaga namang napakahusay pa ding magsalita ni Lolo Virgie sa kabila ng kaniyang edad ngayon.

Maraming mga netizens ang nakapansin na napakaganda talaga ng mga Pilipina noon pa man. Halimbawa na lamang ang angking kagandahan ng aktres na si Gloria at ang guro na si Lola Virgie.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens patungkol sa kanilang pagkikita:
“One of our oldest liv𝔦ng actresses in the Philippines meeting her H.S. teacher, who is a hundred years old really one of a k𝔦nd encount𝔢r for both Tita Gloria and Ma’am Virgie. Long𝔢r lif𝔢 and more bl𝔢ssings for both of them.” Pahayag ni Nelly Jeon.

“She’s so strong for a century old p𝔢rson. She doesn’t look 100 as well, she looks a lot young𝔢r. She still speaks well, and she still has her m𝔢mories wow amazing.” Komento naman ni Julius Renz.

“Napaka g𝔞g𝔞nda ng mga kabab𝔞ihan noong araw sila ang mga tunay na bab𝔞eng Filipin𝔞 mga tunay na pinis at mahinhin ang gag𝔞nda nila kahit matat𝔞nda na sila.” Wika naman ni TintinTV.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media