Connect with us

Showbiz

Wilma Doesnt, engaged na sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Gerick Livelo Parin!

Published

on

Sa buhay natin, tiyak na marami tayong pinagdaraanan na mga pagsubok at suliranin. Hindi naman ito talaga maiiwasan, sabi nga ng mga matatanda, kaniya kaniya lamang tayo ng pamatok na dinadala.

Photo credit: doesntwilma instagram

Pagkalipas naman ng unos ay tiyak na sisikat din ang araw at magsisilbing inspirasyon ang lahat ng pinagdaanan natin sa buhay. Isa na marahil sa mga taong naging positibo sa buhay sa kabila ng napakaraming pagsubok na kaniyang pinagdaanan ay si Wilma Doesnt.

Photo credit: doesntwilma instagram

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng publiko ang sitwasyon noon ni Wilma kung saan siya ay nagkaroon ng anak sa tatlong mga nakarelasyon niya noon. Hindi ito naging madali ngunit nagawa niyang palakihin ang tatlo niyang mga anak na sina Asiana, Emilia Svetlana, at Araion.

Minsan na ring ibinahagi ng model at comedienne na ipinaliwanag niya sa kaniyang mga anak ang kanilang mga family tree, siya ang kanilang ina at silang tatlo ay magkakapatid. Kamakailan lamang ay ibinahagi nga ni Wilma sa publiko ang ginawang marriage proposal sa kaniya ng kaniyang nobyong si Gerick Livelo Parin.

Photo credit: doesntwilma instagram

Inakala ni Wilma na maghohost lamang siya ng isang event nang araw na iyon ngunit masosorpresa pala siya sa pinakamagandang regalong matatanggap niya para mismo sa araw ng kaniyang kaarawan. Makikita sa video na ibinahagi nila online kung gaano kasaya si Wilma sa bagong yugto na ito ng kaniyang buhay.

Marami din sa kaniyang mga tagasuporta ang bumati sa kaniya at nagsabing “deserve” niya talaga ito. Sa kabila kasi ng kaniyang mga pinagdaanan noon ay talagang nanatili siyang matatag at positibo kapiling ang kaniyang mga anak.

Photo credit: doesntwilma instagram

Patunay lamang siya na kusang darating sa buhay mo ang taong inilaan ng Diyos para sa iyo. Kung kaya naman huwag na huwag kang mawawalan ng pag-asa.

Sikapin pa rin na bumangon at magsumikap sa buhay hindi lamang para sa iyong kapakinabangan kundi para na rin sa iyong mga mahal sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media