Connect with us

Showbiz

Tunay na rason nang paglobo ng katawan ni Angel Locsin ngayon, labis na ikinagulat ng publiko!

Published

on

Si Angelica Locsin Colmenares o mas nakilala natin bilang si Angel Locsin ay 36 na taong gulang na aktres, commercial model, film producer, at fashion designer. Isa siya sa mga artistang may pinakamagandang mukha sa showbiz.

Maliban sa pagkakaroon ng mala-Diyosang kagandahan ay talaga namang hinangaan din ang pambihira niyang kaseksihan noon. Dahilan upang tanghalin siya ng makailang ulit bilang pinakaseksing babae sa bansa.

Marami na rin siyang nagawang pelikula at programa sa telebisyon. Una na natin siyang hinangaan noon sa proyekto niyanga “Mulawin” sa GMA network kung saan nakasama niya sina Richard Gutierrez at Dennis Trillo.

Kasunod nito ay gumanap din siya bilang “Darna” na talaga namang mas nagpasikat pa sa kaniyang pangalan. Ngunit nabigla ang marami niyang mga tagahanga ng magdesisyon siyang lumipat sa kalabang network nito na ABS-CBN.

Dito ay pinagkatiwalaan din siya ang magagandang mga proyekto tulad na lamang ng “Lobo”, “Immortal”, at “The General’s Daughter”. Maliban sa mga teleseryeng ito ay marami na ring nagawang pelikula si Angel.

Isa na nga sa mga ito ang “Love Me Again” noong taong 2008 kung saan nakatambal niya si Piolo Pascual. Sa pelikulang ito ay kinailangan niyang magsanay ng husto sa pagsakay sa kabayo.

Minsan nang napabalita ang mga aksidenteng nangyari sa kaniya tulad na lamang nang mataamn ang kaniyang mata matapos niyang paluin ang kabayo upang sumunod sa kaniya sa set. Ang naging pinaka-matinding sakuna na nangyari sa kaniya ay nang ilang beses siyang mahulog sa kabayo na naging dahilan ng kaniyang “bulging disc injury”.

Noong una ay hindi ito ininda ng kaniyang katawan, ngunit habang naghahanda siya sa sumunod niyang proyekto na “Darna” ay dito na mas lumala pa ang kaniyang kondisyon kung saan maaari siyang malumpo ng tuluyan. Nagpatingin sa maraming doktor at nagtungo na rin siya sa ibang bansa upang magpa-opera.

Matapos ng operasyon ay kinailangan naman niyang inumin ang kaniyang “maintenance medicine” na kung saan ay naging dahilan ng labis na paglobo ng kaniyang katawan. Marami mang natatanggap na negatibong komento si Angel mula sa publiko ay nananatili pa rin siyang matatag at positibo sa buhay.

Hindi rin siya nagsasawang tumulong sa kaniyang kapwa lalo na sa mga Pilipinong nasasalanta ng sakuna.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media