Connect with us

Viral

Senador Nancy Binay, umani ng maraming komento mula sa publiko dahil sa kaniyang “glow-up look” para sa SONA 2021!

Published

on

Marami talagang mga Pilipino ang nag-aabang sa mga importanteng kaganapan sa bansa. Hindi nakakaligtas sa atin ang mga balita tungkol sa mga dayuhang bansa na pilit sumasakop sa ating teritoryo, sa patuloy na paglaganap ng pandemya, mga korapsyon, kahirapan at marami pang iba.

Ngunit maliban sa mga seryosong usapin na ito lalo na pagdating sa pulitika, marami din namang mga Pilipino ang hindi mapigilang magkomento patungkol sa iba pang mga bagay tulad na lamang ng mga “looks” ng mga sikat na pulitiko. Isa na sa kanila ang senadorang si Nancy Binay.

Si Maria Lourdes Nancy Sombillo Binay-Angeles o mas nakilala natin bilang si Nancy Binay ay 48 taong gulang na pulitiko sa bansa. Anak siya ng dating bise-presidente Jejomar Binay.

Noong SONA 2018 ay marami ang nagulat sa kaniyang “light blue Filipiniana” na talagang kamukha ng kulay ng carpet ng mga panahong iyon. Gawa din muli ni Randy Ortiz ang sinuot niyang terno noong SONA 2013 na diumano ay hango daw sa isang “hot air balloon”.

At nito lamang Hulyo 26, 2021 ay muli siyang dumalo sa “third regular session” ng 18th Congress kung saan hindi pa rin pinalagpas ng publiko ang kaniyang suot. Sa halip na pangbabash ay nakatanggap naman ng maraming mga positibong puna ang senadora.

Simple lang kasi ang kaniyang suot ngayon. Nakasuot siya ng simpleng “barong-inspired” na pangtaas at simpleng “trousers” lamang na mayroong itim na belt. Maraming mga netizens na nagsasabing “nagparebond” ng buhok ang senadora habang ang ilan naman ay sinabing nagpa-hair extension lamang ito.

“Glow up look” kung ilarawan ito ng ilang mga netizens at talaga namang nag-level up ang angking kagandahan ng senadora. Hindi wasto ang pang-babash sa ibang tao kahit na sikat na personalidad pa yan o “public figure” pa ang mga ito.

Dapat din nating isaalang-alang ang kanilang damdamin higit sa lahat.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media