Connect with us

Showbiz

Richard Gutierrez, tinupad ang pangarap ng kaniyang misis na si Sarah Lahbati na makapunta sa sikat na destinasyon ng K-drama na “Crash Landing On You”

Published

on

Si Richard Kristian Rama Gutierrez o mas hinangaan at nakilala natin bilang si Richard Gutierrez ay 37 taong gulang na aktor at modelo. Isa siya sa mga anak ng batikang aktor na si Eddie Gutierrez.

Taong 2020 nang magpakasal sila ng kaniyang longtime partner na si Sarah Lahbati. Nabiyayaan sila ng dalawang lalaking anak, sina Zion Gutierrez at Kai Gutierrez.

Kahit pa sampung taon ang agwat ng kanilang edad ay hindi ito naging hadlang sa kanilang matamis na pagmamahalan. Maaalalang host pa noon si Richard ng 5th season ng Starstruck na sinalihan ni Sarah.

Hindi na nakapagtatakang naging magkaibigan ang dalawa at nagkamabutihan hanggang sa bumuo na sila ng sarili nilang pamilya. Kahit pa dalawa na ang kanilang mga anak ay hindi pa rin nawawala at kumukupas ang malagkit na pagtitinginan nila para sa isa’t-isa.

Maraming mga netizens ang nakapansin sa napakasweet nilang “gestures” para sa isa’t-isa. Gayundin naman ang mga sweet pictures nila at nakakakilig na caption sa kanilang mga larawan.


Kamakailan lamang ay napabalitang lumipad pa-ibang bansa sina Sarah at ang dalawa nilang anak. Ito ay upang makasama ng aktres ang kaniyang pamilya sa Switzerland. Makalipas ang isang linggo ay sumunod na si Richard sa kaniyang mag-iina at dito na nga tinupad ng aktor ang matagal nang pangarap ng kaniyang misis, ang mapuntahan ang destinasyon ng sikat na K-drama na “Crash Landing On You” o “CLOY”.

Kitang kita naman sa mga larawan na ibinahagi ni Sarah ang napakagandang lugar ng “Interlaken”. Kahit pa nga raw ilang beses silang naligaw ay masayang masaya pa rin siya dahil sa nakakamanghang tanawin dito.

At siyempre kasama pa niya ang kaniyang pinakamamahal na asawa. Hindi na nakapagtatakang napa-sana all na naman ang marami nating kababayan hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa pa.

Patunay lamang ang celebrity couple na ito na walang edad pagdating sa pag-ibig, hindi rin malaking usapin ang estado sa buhay o pagiging matagumpay sa karera. Dahil ang importante ay ang pagmamahalan ng dalawang tao sa kabila ng napakaraming pagsubok na kanilang pinagdaraanan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media