Connect with us

Showbiz

Napukaw ang atensyon ng publiko sa gwapong mga larawan ni Ronaldo Valdez noong siya ay binata pa!

Published

on

Mapalad tayong mga Pilipino dahil sa marami tayong mga mahuhusay na aktor at aktres sa bansa. Kahit pa nga ilang taon at dekada na ang lumipas ay hindi pa rin kumukupas ang kanilang kahusayan sa harapan ng kamera.

Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang mga larawan na ito ni Ronaldo Valdez. Si Ronaldo Valdez o si Ronald James Gibbs ay 73 taong gulang na aktor. Halos limang dekada na siya sa industriya ngunit hindi pa rin nagbabago ang kaniyang pambihirang talento sa pag-arte.

Taong 1996 noon nang una siyang masilayan sa harap ng kamera. Ngunit maliban pala sa kaniyang talento ay isa rin pala siya sa pinakagwapo at pinakamakisig na aktor noong kaniyang kabataan.
Sa ngayon nga ay marami nang mga netizens ang inihahalintulad siya sa mga aktor na sina Ian Veneracion, Jestoni Alarcon at EJ Falcon. Dahil sa angking kagwapuhan ay hindi na nakapagtataka na mahulog ang loob sa kaniya ni Marife, ang kaniyang maybahay.

Nabiyayaan sila ng dalawang anak, sina Melissa Gibbs at Janno Gibbs na kapwa rin naman pinasok ang showbiz. Naging mahuhusay din silang artista tulad ng kanilang ama.

Lingid sa kaalaman ng publiko ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan noon sina Janno at Ronaldo, naging dahilan ito upang hindi sila magkibuan ng ilang taon din. Naayos naman din nila ito kalaunan.

Ayon kay Ronaldo, may mga pagkakamali din talagang nagagawa ang mga magulang sa kanilang mga anak. Hindi naman daw masamang aminin ang pagkakamali at humingi ng tawad sa mga ito kahit pa nga ang magulang mismo ang nagkamali.

Hindi rin naman daw dahilan ang edad upang hindi na magkamali ang isang tao. Hindi lamang siya isang mahusay na aktor dahil sa nagsilbi din siyang inspirasyon sa maraming mga magulang lalo na sa panahon natin ngayon na marami ding mga magulang na hindi maganda ang relasyon sa kanilang mga anak.

Hindi pa huli ang lahat dahil sa maaari pa nila itong maayos at masolusyunan upang maging buo muli ang kanilang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media