Connect with us

Showbiz

Nadine Samonte, ibinahagi ang maselan at mahirap niyang pagbubuntis sa ikatlo nilang anak ng kaniyang mister!

Published

on

Isang napakagandang biyaya at pagpapala mula sa Diyos ang pagkakataon na magkaroon tayo ng sarili nating mga anak. Bagamat mahirap ang pagbubuntis o pagdadalang-tao ay hindi ito alintana ng maraming mga kababaihan.

PHOTO/S: @NADINESAMONTE ON INSTAGRAM

Mapanganib din ang panganganak o pagsisilang nila sa kanilang mga sanggol ngunit kinakaya ito ng maraming mga kababaihan dahil sa nais din nilang bumuo na ng sarili nilang pamilya. Ayon pa nga sa sabi ng mga matatanda na ang isang paa ng mga kababaihan ay nasa hukay na sa tuwing manganganak sila.

PHOTO/S: @NADINESAMONTE ON INSTAGRAM

Kung kaya naman ganoon na lamang ang pag-iingat at pag-aalaga ng mga mister sa kanilang mga kabiyak. Kamakailan lamang ay ikinagulat ng marami ang ibinahagi ni Nadine Samonte sa kaniyang Instagram account kung saan makikita ang larawan ng kaniyang tiyan na punong-puno ng pasa dahil na rin sa mga gamot na kinakailangan niyang iturok sa araw-araw.

PHOTO/S: @NADINESAMONTE ON INSTAGRAM

Kailangan niya itong gawin upang masigurong ligtas ang sanggol sa kaniyang sinapupunan. Ayon pa sa naging rebelasyon ng dating Starstruck alumna ay mayroon pa rin siyang Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS) at Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS) sa ikatlong pagbubuntis niyang ito.

Mayroon na silang dalawang anak ng kaniyang mister na si Richard Chua na sina Heather Sloane (4 na taong gulang), at Austin Titus (2 taong gulang). Sa mga nauna niyang pagbubuntis noon ay kinakailangan niyang uminom ng higit sa 30 hanggang 50 na mga tableta.

PHOTO/S: @NADINESAMONTE ON INSTAGRAM

Mayroon din siyang mga gamot na kailangang iturok sa kaniyang katawan sa araw-araw. Talaga namang napakahirap ng karanasan niyang ito ngunit talagang nagpapakatatag siya para sa kaniyang asawa at mga anak at sa magiging bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Marami namang mga netizens at kapwa niya mga artista ang nagpaabot ng paghanga sa kaniya bilang isang ina at bilang isang babae dahil talagang hindi biro ang ganitong karanasan. Nagsilbi din siyang inspirasyon para sa mga kababaihang nakakaranas din ng ganitong pagbubuntis.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media