Connect with us

Showbiz

Mister ni Ara Mina na si Dave Almarinez, nagtrabaho muna pala sa Singapore bago maging presidente at CEO ng Philippine International Trading Corporation!

Published

on

Si Hazel Pascual Reyes-Almarinez o mas nakilala natin bilang si Ara Mina ay 42 taong gulang na aktres, singer, endorser, at entrepreneur. Isa siya sa pinakasikat na aktres noon ng kaniyang henerasyon.

Photo credit: therealaramina

Marami na siyang nagawang mga proyekto sa telebisyon at pelikula. Ngunit sa kabila ng kaniyang mga naging tagumpay noon, tulad rin ng maraming mga kababaihan ay minsan din siyang nasaktan dahil sa pag-ibig.

Naging nobyo niya noon ang ama ng kaniyang anak na si Amanda Gabrielle Meneses. Siya ay walang iba kundi si Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Photo credit: therealaramina

Naging napakagandang biyaya para sa kanila ang anak nilang si Mandy. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi rin naging matagumpay ang kanilang pagsasama.

Nagkahiwalay sila ngunit nanatiling magkaibigan para sa kanilang anak. Lumipas pa ang ilang mga taon at nanatiling single si Ara ngunit nang magkakilala sila ni Dave Almarinez sa isang event ay unti-unti nang nabuksan muli ang kaniyang puso at sumubok muling magmahal.

Photo credit: therealaramina

Nito lamang ika-30 ng Hunyo ay ikinasal na ang dalawa sa Alphaland Baguio Mountain Lodges. Talaga namang napakaganda at napaka-enggrande ng kanilang kasal.

Sa kabila ng pandemya ay talagang dumalo pa rin ang malalapti nilang mga kaibigan tulad na lamang nina Barbie Imperial, Sunshine Cruz, Jessa Zaragosa, Samantha Bernardo, Melissa Ricks, Jenny Miller, at Jaycee Parker. Lingid sa kaalaman ng publiko ay naging isang OFW muna pala si Dave sa Singapore kung saan nagkaroon siya ng isang direct selling business roon.

Photo credit: therealaramina

Ito ang naging simula ng kaniyang tagumpay. Maliban sa pagiging isang milyonaryo ay isa rin siyang pulitiko. Taong 2007 nang tanghalin siya bilang Provincial Board Member ng Laguna.

Photo credit: therealaramina

Proud na proud naman sa kaniya ang kaniyang misis na si Ara dahil sa pagiging masipag, responsable at mabuting tao nito. Ayon pa sa isang Instagram post noon ng aktres ay hindi raw ito magsasawang ipagmalaki ang kabutihang puso ng kaniyang kabiyak.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media