Connect with us

Showbiz

Miriam Quiambao, isinilang na ang kaniyang ikalawang anak at miracle baby sa edad na 46!

Published

on

Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang mahirap na pinagdaanan noon ni Miriam Quiambao hindi lamang sa kaniyang buhay pag-ibig kundi maging sa kaniya mismong pananampalataya. Sa kabila ng mga mahihirap na pagsubok na kaniyang pinagdaanan ay talagang nabigyan pa siya ng isa pang pagkakataon upang magmahal at mahalin sa katauhan ng kaniyang mister na si Eduardo “Ardy” Roberto Jr.

Photo credit: Miriam Quiambao instagram

Siya ay isang author, entrepreneur, at inspirational speaker. Taong 2014 nang ikinasal ang dalawa. Kitang-kita ng publiko ang wagas na pag-ibig sa kanilang mga mata at ang matatag nilang pananampalataya.

Photo credit: Miriam Quiambao instagram

Nahirapang magkaanak si Miriam dahil na rin sa kaniyang edad noon at mayroon din siyang “APAS” ngunit hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang mag-asawa. Makalipas ang apat na taon ay nabiyayaan na nga sila ng anak na lalaki at pinangalanan nila siyang Elijah.

Isinilang niya si Elijah noong Pebrero 16, 2019. At nito lamang ika-12 ng Hunyo ay muling nagsilang si Miriam ng ikalawang anak nilang lalaki na pinangalanan nilang Ezekial Isaiah ‘Ziki’ Quiambao-Roberto.

Nagpasalamat ng buong puso ang Miss Universe 1999 First Runner-up dahil sa mga taong walang sawang nanalangin para sa kaniya, sa kaniyang ipinagbubuntis, at sa buo nilang pamilya. Wala ring pagsidlan ang kaligayahan ng mag-asawa dahil sa muli na namang nadagdagan ang kanilang pamilya.

Photo credit: Miriam Quiambao instagram

Wala silang ibang pinapupurihan kundi ang Diyos na siyang nagbiyaya sa kanila ng kanilang mga anak. Si Miriam Redito Quiambao-Roberto ay 46 na taong gulang na physical therapist, inspirational speaker, author, entrepreneur, aktres, television host, real estate broker, endorser, modelo, at beauty pageant titleholder.

Kinoronahan siya bilang “Binibining Pilipinas Universe 1999” at nauwi rin niya ang “1st Runner-Up sa Miss Universe 1999”. Maraming mga kababaihan ang talagang nakahanap ng inspirasyon sa dating beauty queen.

Photo credit: Miriam Quiambao instagram

Pinatunayan lamang niya na walang imposible lalo na sa taong mayroong matatag na pananampalataya at pananalig sa Diyos.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media