Connect with us

Showbiz

Mga sikat na artistang naging matagumpay din sa kanilang restaurant business, kilalanin!

Published

on

Madalas nating marinig na ang pagiging artista o ang pagtatrabaho sa industriya ng showbiz ay hindi talaga pang habang buhay kung kaya naman pinapayuhan talaga ang mga sikat na aktor at aktres na magpundar ng sarili nilang mga negosyo upang ano man ang kahinatnan ng kanilang karera ay mayroon pa rin silang maaasahang pagkakakitaan sa bandang huli. Narito ang ilang sa mga kilalang personalidad na pinasok din ang mundo ng pagnenegosyo at nakapagpundar ng sarili nilang mga restaurant business:

NASH AGUAS


Si 22 taong gulang na si Aeign Zackrey Nash Victoriano Aguas o mas nakilala nating lahat bilang si Nash Aguas ay isang mahusay na aktor, endorser, modelo, singer at dancer. Sa edad na 18 taong gulang ay nakapagtayo na siya ng sarili niyang negosyo. Ito ang “Muramen”, isang Japanese restaurant na binuksan noong Agosto 2017 sa Sampaloc, Maynila. Sa ngayon ay marami na rin itong ibang branches tulad na lamang sa Rizal, Cavite, Bulacan, Tarlac, Ilocos Sur at maging sa ibang bahagi pa ng Metro Manila. Mayroon din siyang isa pang negosyo, ang “Grillest” kung saan naman matitikman ang paborito niyang “chicken inasal”.

DINA BONNEVIE

Si Geraldine Schaer Bonnevie-Savellano o mas nakilala naman natin bilang si Dina Bonnevie ay 60 taong gulang na. Isa siyang sikat na aktres at dating beauty queen. Bago pa man siya pumasok sa mundo ng showbiz ay naging “first-runner” na siya sa “Miss Magnolia 1979 Beauty Contest”. Katuwang ang kaniyang mister na si DV Savellano, isang pulitiko, naitayo nila ang Victorino’s Restaurant noong taong 2013 sa Tomas Morato, Quezon City. Patok na patok sa kanilang mga kostumer ang kanilang mga lutong Ilocano.

ERWANN HEUSSAFF AT NICO BOLZICO


Si Erwan Heussaff ang mister ng aktres na si Anne Curtis habang si Nico Bolzico naman ang asawa ni Solenn Heussaff na kapatid ni Erwan. Kung kaya naman sila ay mag-bayaw. Hindi lamang iyon ang kanilang relasyon dahil sa silang dalawa ay business partners din matapos nilang itayo ang steak restaurant na “Chingolo” noong Enero 2020. Dito ay talagang naghahain sila ng masasarap na putahe ng beef na mula pa sa farm ng pamilya ni Nico sa Argentina. Maaari din namang bumili ng iba pang raw beef products dito.

DANIEL PADILLA AT VICE GANDA


Ang “King of Hearts” naman na si Daniel Padilla na longtime boyfriend ni Kathryn Bernardo at ang “Unkaboggable Star” na si Vice Ganda ay nagbukas ng isang bar at restaurant noong Agosto 2017. Ito ang “District 8 Manila”. Isa itong gastropub na matatagpuan sa Greenhills Shopping Center sa San Juan.

BEA ALONZO


Si Bea Alonzo ay isa rin sa pinakasikat na artista ngayon sa bansa. Ang 33 taong gulang na si Phylbert Angelli Ranollo o mas nakilala natin sa screen name niyang Bea Alonzo ay isang mahusay na modelo, aktres at dating singer. Lingid sa kaalaman ng publiko ay pinasok na rin niya ang restaurant business kung saan talagang nag-aral pa siya ng baking sa isang culinary schoo. Mayroon siyang franchise ng café business na “Dean and Deluca” noon pang Nobyembre 2019. Ang café na ito ay mula pa sa USA at naghahain sila ng kpae, salad, pasta, pastry, at marami pang iba.

JUDY ANN SANTOS AT RYAN AGONCILLO


Isa sila sa mga kahanga-hangang celebrity couple sa bansa. Hindi lamang sila magkatuwang sa buhay dahil sa business partners din sila pagdating sa kanilanag restaurant business na “Angrydobo”. Ito ay matatagpuan sa harapan ng De La Salle University sa Taft Avenue, Malate, Manila. Ayon sa ilang mga ulat, ang pangalan ng kanilang restaurant ay hango sa nilutong adobo noon ng aktres kay Ryan nang minsang magalit siya rito. Marami namang mga putahe na may adobo twist ang matitikman sa kanilang restaurant.

JOEL TORRE


Ang 60 taong gulang naman na si José Rizalino de León Torre o si Joel Torre ang may-ari ng “JT’s Manukan”. Kung noon ay nagsimula lamang sila sa inihaw na manok, ngayon ay mayroon na silang 29 na mga branches sa buong bansa. Mula pa sa probinsiya ng aktor na Bacolod ang recipe na ito kung kaya naman talagang binabalik-balikan talaga ito ng maraming mga Pilipino.

ALDEN RICHARDS


Ang “Pambansang Bae” naman na si Alden Richards ay nagtayo rin ng isang garden-inspired na cade sa Tagaytay. Ito ang “Conchas Garden”. Nang taon ding iyon ay nagbukas siya ng isa pang branch sa Tomas Morato sa Quezon City.

RICHARD YAP


Si Sir Chief o si Richard Edison Uy Yap sa tunay na buhay naman ay isang aktor, singer, modelo, at businessman. Sa kaniya ang Chinese restaurant na “Wangfu” na naitayo noong taong 2013. Maliban dito ay mayroon din siyang Filipino restaurant na “Luna J Filipino Gastropub” na mula naman sa pangalan ng bayani natin na si Juan Luna.

JODI STA. MARIA


Si Jodi Sta. Maria naman ay hindi lamang isang mahusay na aktres at kontrabida dahil sa isa rin siyang businesswoman. Siya ang nagmamay-ari sa “Rue Bourbon” na mayroon nang 6 na mga branches sa Metro Manila. Naghahain sila rito ng mga American o Western dishes.

MARVIN AGUSTIN


Si Marvin Agustin naman ang may-ari ng Japanese restaurant na “Sumosam”. Taong 2005 nang maitayo niya ito. Noon pa man ay mahilig na talaga siyang magluto kung kaya naman nag-aral talaga siya sa International School for Culinary Arts and Hotel Management upang mas lumawak pa ang kaniyang kaalaman sa ganitong uri ng negosyo. Mayroon na siyang 25 na mga branches sa buong bansa bukod pa ang iba pa niyang mga restaurant business.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media