Connect with us

Showbiz

Mga sikat na artistang na-diagnose ng Polycystic ovary syndrome (PCOS), kilalanin!

Published

on

Ang Polycystic ovary syndrome (PCOS) ay isa sa mga sakit na iniinda ng maraming mga kababaihan sa bansa lalo na yung mga nasa “reproductive stage”. Ayon sa pag-aaral, ito ay isang hormonal disorder kung saan nagkakaroon ng maliit na cyst ang mga babae sa kanilang obaryo. Kadalasang hirap magbuntis ang mga babae na mayroong PCOS. Hindi madali ang makaranas nito kung kaya naman talagang naging matinding inspirasyon sa publiko ang ilan sa mga sikat na artista na mayroon ding PCOS. Narito ang ilan sa kanila:

PAULEEN LUNA-SOTTO


Minsan nang ibinahagi ni Pauleen sa publiko ang kaniyang suliranin pagdating sa kaniyang PCOS. Ayon pa sa “Eat Bulaga! host”, mahirap at mabagal man ang kaniyang progreso pagdating sa kaniyang “fitness journey” ay naniniwala pa rin siyang hindi nababalewala at hindi nasasayang ang kaniyang mga sakripisyo.

NADINE SAMONTE


Hindi lamang PCOS ang nararanasan ni Nadine dahil sa mayroon din siyang APAS sa ikatlo niyang pagbubuntis. Mahirap man daw ang kaniyang pinagdaraanan sa ngayon ay masayang masaya pa rin siya dahil sa madaragdagan na naman ang kanilang pamilya.

LUANE DY-GONZALEZ


Nakaranas din naman ng maraming komplikasyon ang “Unang Hirit” host na si Luane Dy habang siya ay nagbubuntis. Ito ay dahil sa pagkakaroon din niya ng PCOS. Himala kung ituring niya at ng kaniyang asawa ang kaniyang baby dahil sa naranasan niya ang ilang mga komplikasyon ng PCOS tulad na lamang ng “hypertension”, “gestational diabetes”, at “hemorrhages”.

CINDY KURLETO


Ayon naman sa dating aktres at host na si Cindy Kurleto ay kinailangan niyang magbago ng kaniyang “lifestyle” dahil din sa PCOS. Nasa kasikatan siya noon ng kaniyang karera nang malaman niyang may PCOS pala siya. Agad naman siyang sinabihan ng kaniyang doktor na maghinay-hinay at mamahinga kung gusto pa niyang magka-anak.

SITTI NAVARRO-RAMIREZ


Ikinagulat din ng publiko ang pagkakaroon ng PCOS ng sikat na singer na si Sitti. Sa ngayon ay ipinagbubuntis niya ang ikalawa nilang anak ng kaniyang mister na si Joey Ramirez.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media