Connect with us

Viral

Mga sacristan, hindi nagdalawang-isip na kupkupin at tulungan ang pulubing ito na palaboy-laboy lamanag sa lansangan!

Published

on

Mahirap maging mahirap. Hindi talaga madali ang maging isang mahirap lalo na dito sa Pilipinas.

Photo credit: Teotristan Batutay

Nakakalungkot mang isipin ngunit laganap na ang kahirapan, korapsyon, at krimen sa bansa. Kung kaya naman kailangang maging mapanuri at maingat palagi ang bawat isa. Sa kabila naman ng kahirapang nararanasan natin, dagdagan pa ng pandemyang COVID-19 na hanggang ngayon ay talagang namemerwisyo pa rin sa buong mundo, mayroon pa ring mga tao ang may busilak na puso lalo na sa pagtulong sa kapwa.

Photo credit: Teotristan Batutay

Isa na sa mga ito ang grupo ng mga kabataang sakristan sa Davao De Oro. Ang mga sakristan na ito ang tumulong sa palaboy na si Totong upang mas maging maayos ang kalagayan nito.

Kinupkop kasi nila ito talagang inasikaso ng husto. Ginupitan ng buhok, inahitan ng bigote at balbas, pinaliguan, binigyan ng malinis at maayos na damit at tsinelas at pinakain ng pagkain. Umani ng maraming mga positibong komento mula sa mga netizens ang ginawang kabutihan na ito ng mga sakristan.

Photo credit: Teotristan Batutay

Tunay nga na ipinamalas nila na hindi natin dapat kalimutang maging matulungin sa lahat ng pagkakataon. Hindi lamang sa ating mga kaibigan at kamag-anak kundi lalo na sa mga taong walang-wala talaga sa buhay.

Matapos ang pag-aasikaso kay Totong ay talaga namang kitang-kita ang labis na kagalakan nito dahil sa maayos at malinis niyang hitsura. Tiyak na napakalaking ginhawa nito para sa kaniya na noon ay palaboy-laboy lamang sa lansangan.

Photo credit: Teotristan Batutay

Mayroong ilang mga residente na nagsasabing sakristan din dati ang matanda kung kaya naman madalas ito sa simbahan. At dahil nga dito ay napansin siya ng mga sakristan na tumulong at kumupkop sa kaniya.

Photo credit: Teotristan Batutay

Hindi hadlang ang estado natin sa buhay, ang laman ng ating mga pitaka, o ang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa atin upang gumawa tayo ng mabuti. Ito ay palaging nasa puso at isipan natin na tiyak na gagantimpalaan din ng ama natin sa langit.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media