Connect with us

Viral

Mga anak ng isang driver at mananahi, nagpatayo ng mansyon para sa kanilang mga magulang!

Published

on

Noon pa man ay talagang ramdam na ng marami sa atin ang hirap ng buhay. Mas pinalala lamang ito ng talamak na korapsyon, krimen, at mas matindi pang kahirapan.

Photo credit: Peso Sense

Ngunit sa kabila ng maraming mga negatibong bagay na nangyayari sa ating paligid ngayon ay marami pa rin sa atin ang hindi nawawalan ng pag-asa at mas nagpapakatatag pa sa buhay. nagsilbing inspirasyon ang kwento ito ng isang pamilya na sa kabila ng kahirapan sa buhay ay nagtulong-tulong upang makamit anag kanilang mga pangarap.

Ibinahagi nila ang kanilang nakakamanghang kwento sa Facebook Page na Peso Sense at talaga namang marami ang bumilib at humanga sa kanila. Apat silang magkakapatid sa pamilya at ang kanilang mga magulang ay isang tricycle driver at isang mananahi.

Photo credit: Peso Sense

Maliit lamang ang kita ng kanilang mga magulang ngunit hindi ito kailan man naging hadlang sa kanilang mga pangarap. Dahil sa nais talaga ng magkakapatid na makapagtapos ng kolehiyo ay naghanap sila ng kanilang mga trabaho habang sila ay nag-aaral.

Nasusuportahan na nila ang kanilang pag-aaral at nakakatulong pa silang suportahan ang kanilang pamilya. Sa ngayon ay nakapagtapos na ang apat na magkakapatid. Isa nang electrical engineer ang panganay, civil engineer naman ang pangalawa, Math teacher ang ikatlong anak at isang mechanical engineer naman ang bunso sa magkakapatid.

Dahil sa unti-unti na nilang nakakamit ang kanilang mga pangarap ay hindi naman nila nakalimutan ang kanilang mga magulang na nagpapagal din ng husto para sa kanila. Nagpagawa kasi sila ng mansyon para sa kanilang masipag na ama at ina.

Photo credit: Peso Sense

Alay nila ito sa kanilang mga magulang na noon pa man ay talagang sumuporta at naniwala na sa kanilang kakayanan. Talaga namang napakasarap sa pakiramdam na makakita ng ganitong pagtutulungan sa isang pamilya.

Maaaring marami tayong problema at suliranin ngunit mas gumagaan ito kung katuwang natin ang ating pamilya, hindi ba?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media