Connect with us

Viral

Matapat na tindera ng gulay, sinaluduhan ng publiko matapos na magsauli ng isang bag na naglalaman ng Php2.7 milyong piso!

Published

on

Sa harap ng buhay natin ngayon na sinabayan pa ng pandemya ay talaga namang madalas ay gusto na lamang nating sumuko sa buhay. Ngunit dahil sa maraming mga taong umaasa sa atin ay nagsusumikap tayo at nagpapakatatag kahit na maraming mga pagsubok ang nararanasan natin sa araw-araw.

Sa kabilang banda, nakakalungkot isipin na mayroon pa rin palang ibang tao na nakakagawa ng masama para lamang malamnan ang kumakalam na sikmura ng kanilang pamilya. Hindi na ito bago sa ating mga Pilipino.

Ngunit sa kabila ng mga pangyayaring ito ay hindi pa rin natinag ang isang matapat na tinder ng gulay sa Ilocos Norte. Isinauli lang naman niya ang isang bag na mayroong laman na Php2.7 milyong piso.

Sa halagang ito ay maaari nang mabago ang kaniyang buhay lalo na ang kinabukasan ng kaniyang mga anak. Ngunit hindi nagpatinag si Alice Baguitan sa malaking halaga ng salapi na ito.

Ibinalik niya pa rin ito sa tunay na nagmamay-ari dito. Ayon sa naging pahayag ng matapat na tinder, kumakain siya noon sa isang fast-food chain ng marinig niya ang isang babaeng may kausap sa cellphone at nagmamadali.

Hindi niya pinansin ngunit kalaunan ay nakita niyang tila naiwanan pala nito ang kaniyang bag. Agad naman niya ito kinuha upang maisauli sa babae.

Labis ang pasasalamat ng may-ari ng bag kay Alice at nais niya rin itong bigyan ng kaunting gantimpala na agad namang tinanggihan ni Alice. Ayon kay Alice ay ginawa lamang niya ang batid niyang nararapat ng mga oras na iyon.

At kung mayroon mang magbibigay sa kaniya ng gantimpala ay ang Diyos na lamang at siya ang nakaaalam nito. Tunay nga na nakakamangha ang taong katulad ni Alice na sa kabila ng kasalatan sa buhay ay hindi naghahangad ng mga bagay na hindi naman niya pagmamay-ari.

Mas mahalaga sa kaniya ang gumawa ng mabuti at tumulong sa kaniyang kapwa sa abot ng kaniyang makakaya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media