Connect with us

Showbiz

Lucy Torres-Gomez ibinahagi ang hilig niya ngayon na pag-aayos ng mga bulaklak sa kanilang tahanan sa probinsiya!

Published

on

Si Lucy Torres-Gomez o mas hinangaan natin bilang si Lucy Torres ay 46 taong gulang na aktres, modelo, at pulitiko. Siya ngayon ay nanunungkulan bilang 4th district representative ng Leyte.

Photo credit: Love lucy Youtube Channel

Taong 1998 pa nang ikinasal sila ng aktor at matinee idol na si Richard Gomez. Nabiyayaan sila ng isang anak, si Juliana Marie Beatriz T. Gomez.

Photo credit: Love lucy Youtube Channel

Kahit na nga hindi na siya madalas masilayan sa harap ng kamera ng mga nagdaang taon ay marami pa rin sa kaniyang mga tagahanga ang patuloy na sumusubaybay sa kaniya sa kaniyang YouTube channel na “Love Lucy”. Dito ay ipinapasilip niya sa kaniyang mga tagahanga ang mga bagay na pinagkakaabalahan niya sa kanilang malawak na tahanan sa probinsiya.

Photo credit: Love lucy Youtube Channel

Ilan sa kaniyang mga ginagawa buhat ng magpandemya ay ang pagrerenovate ng kanilang tahanan, paggawa ng ilang mga tirahan ng alaga nilang hayop at higit sa lahat, ang pag-aayos ng mga bulaklak. Noon pa man ay hilig na daw niya ang mga sariwang bulaklak.

Lingguhan sila kung bumili ng bulaklak na siyang inaayos niya at inilalagay sa kanilang bahay. Iba rin daw ang kaniyang kaligayahan lalo na sa tuwing magtatanggal siya ng mga bulaklak mula sa mga bouquet na kaniyang natatanggap.

Photo credit: Love lucy Youtube Channel

Inaabangan din niya ang kaniyang kaarawan dahil sa tiyak na maraming mga nagpapadala sa kaniya ng mga bulaklak bilang pagbati sa kaniyang kaarawan. Inaayos niya ito at agad na inilalagay sa kaniyang mga flower vase.

Mas hinangaan pa siya ng publiko nang malaman nilang hindi lamang pala basta flower vase o mamahaling vase ang pinaglalagyan ni Lucy ng kaniyang mga bulaklak dahil sa nagre-recycle talaga siya ng ibang mga bagay sa kanilang bahay upang maging flower vase. Tulad na lamang halimbawa ng kaniyang tea pot na nasa kaniya na mula pa noong siya ay ikinasal, nasira ang takip nito kung kaya naman nilagyan na lamang niya ng mga bulaklak na siya mismo ang nag-ayos.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media