Connect with us

Viral

Lola na isang vendor ng gulay, ibinili ng cellphone ang kaniyang mahal na apo mula sa kaniyang inipong pera sa paglalako niya ng gulay para sa online class nito!

Published

on

Bahagi na ng kultura nating mga Pilipino ang pagiging malapit sa ating mga lolo at lola. Madalas kasing abala ang ating mga magulang sa kanilang mga trabaho kung kaya naman ang mga anak ay madalas na naiiwanan at pinapaalagaan na muna sa kanilang mga lolo at lola.

Maraming mga Pilipino ang tiyak na sasang-ayon kapag sinabi natin na ang mga laking lolo at lola ay talagang mapagmahal sa matatanda at marunong rumespeto. Marahil ay marami sa atin ang “sunod sa luho” lalo na kung nasa poder tayo ng mahal nating mga lolo at lola ngunit hindi rin naman sila nagkukulang ng paalala at pangaral sa atin.

Hindi na nakapagtataka na nag-viral agad ang larawan ng maglola na ito sa isang sikat na mall sa Muntinlupa. Ayon sa netizen na si John Mico Tan ay talagang naantig siya at namangha nang makita ang maglola na ito na masayang nakaupo sa gilid ng isang mall.

Hawak ng batang lalaki ang kaniyang cellphone habang makikita naman ang magandang ngiti ng kaniyang lola. Nakilala ni Mico ang lola bilang si Nanay Emma Abucay Monta, pagtitinda daw ng gulay ang kaniyang ikinabubuhay.


Napag-alaman din niyang si Nanay Emma pala talaga ang bumili ng cellphone ng kaniyang apo at ito ay mula mismo sa inipon niyang Php20 at Php50 mula sa kaniyang pagtitinda. Kailangan daw kasi ng kaniyang apo ng cellphone para sa online class nito kung kaya naman pinilit niya talagang makaipon upang mabilhan ang kaniyang apo.

Marami namang mga netizens ang talagang naantig sa kwentong ito ng maglola. Mas marami din ang talagang naka-relate dahil karamihan talaga sa atin ay lumaki sa ating mga lolo at lola.

Hindi matatawaran ang kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa atin kahit pa nga sabihin na tayo ay apo lamang at hindi naman talaga nila mga anak. Kung kaya naman nararapat lamang na ibigay natin ang respeto at pagmamahal na nararapat para sa kanila.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media