Connect with us

Showbiz

Larawan ni Zia Dantes na anak nina Dingdong at Marian Rivera, labis na hinahangaan ngayon ng mga netizens dahil sa angking kagandahan nito sa murang edad pa lamang!

Published

on

Tayong mga Pilipino ay iba kung magmahal. Hindi lamang ang ating pamilya, asawa at mga anak an gating minamahal kundi maging ang mga iniidolo nating artista.

Photo credit: marianrivera instagram

Hindi na bago sa atin ang mga “fan clubs” at iba’t-ibang klase ng mga grupo na talagang sumusuporta sa kanilang mga paboritong artista. Marahil ay nagsisilbi kasing inspirasyon nila ang mga kilalang personalidad na ito.

Photo credit: marianrivera instagram

Kung kaya naman kahit na mayroong iilan na iniwanan na ang industriya ng showbiz o di kaya naman ay bumuo na ng sariling pamilya nila, hindi pa rin nawawala ang pagsuporta at pagmamahal na kanilang ibinibigay. Tulad na lamang ng isa sa pinakasikat at pinakamaimpluwensiyang celebirity couple sa bansa, sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Photo credit: marianrivera instagram

Hindi lamang sila mahuhusay na mga artista at pilantropo dahil sa marami din talaga ang humahanga sa kanila kung paano nila alagaan ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. At higit pa rito ay ang pagpapalaki nila sa kanilang dalawang mga anak na sina Maria Letizia “Zia” Dantes, 5 taong gulang at ang dalawang taong gulang nilang bunso na si Jose Sixto “Ziggy” Dantes IV.

Photo credit: marianrivera instagram

Hindi ng maipagkakaila na napakaganda ng lahi nina Dingdong at Marian, kitang-kita naman sa kanilang mga anak. Kamakailan lamang ay hindi mapigilan ng maraming mga netizens ang mamangha sa angkingkagandahan ng panganay nilang si Zia dahil sa talaga namang napakaganda na nito sa murang edad pa lamang.

Tila ba hindi na kakailanganin pa ng “glow-up” at “puberty stage” para lamang mas lalong gumanda ang batang ito. Pinagkaguluhan ng publiko ang Instagram post ni Marian kung saan masisilip ang ilang mga larawan ni Zia.

Ayon sa caption ng Kapuso Primetime Queen ay talagang nakuha ni Zia ang kaniyang kakulitan. Ilan kasi sa kaniyang mga larawan ay talagang kakikitaan mo ng sobrang kakulitan tulad ng kaniyang Mommy Marian.

Photo credit: marianrivera instagram

Kuha ang mga larawang ito sa isa sa mga proyekto ginawa ng mag-ina kamakailan lamang.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media