Connect with us

Showbiz

Kylie Padilla, ipinasilip na sa publiko ang bagong bahay na lilipatan nilang mag-iina matapos mapabalita ang pakikipaghiwalay nito sa mister niyang si Aljur Abrenica!

Published

on

Tunay nga na walang permanente sa mundo. Tanging ang salitang pagbabago o “change” lamang ang masasabi nating nananatiling permanente.

Marami ang nagulat at labis na nalungkot ng mapabalita ang hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Hindi lamang dahil sa marami na talaga silang naging mga tagahanga mula noong sila at magkasintahan pa lamang kundi lalo’t higit dahil sa dalawa nilang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Kamakailan lamang ay kinumpirma ito ng kaniyang ama na si Robin Padilla. Ayon pa sa naging pahayag ng beteranong action star ay tinanong niya noon si Kylie kung agrabyado ba ito, agad namang tumugon ang aktres na hindi.

Makalipas pa ang ilang buwan ay doon na nga inamin ni Kylie sa kaniyang ama na siya na mismo ang nakipaghiwalay sa kaniyang asawa. Diumano ay “third party” daw ang dahilan ng kanilang paghihiwalay na hanggang ngayon ay hindi pa rin kinukumpirma ng magkabilang panig.

Sa ngayon ay handang-handa na nga ang aktres na lumipat sa bago nilang bahay kasama ang dalawa nilang anak na sina Alas at Axl. Nagbahagi pa ng ilang mga larawan at videos ang aktres ng kanilang bagong bahay.

Sinigurado din daw niyang malinis at ligtas ang bawat kagamitan sa kanilang bagong bahay para na rin sa kaniyang mga anak. Tinawag din niyang “dream house” ang bahay nilang ito na mayroon pang 3D floor plan na kaniya ring ibinahagi sa kaniyang mga posts.

Nito lamang Hulyo 8 ay binanggit ni Kylie sa isang interbyu na nasa “co-parenting status” sila ngayon ni Aljur alang-alang na rin sa kanilang mga anak. Samantala, halos lahat naman ng mga netizens ay galit sa aktor na si Aljur dahil sa diumano ay pambabae nito kahit pa nga napakaganda at napakaseksi na ng kaniyang asawang si Kylie.

Sa ngayon ay inaantabayanan pa rin ng lahat kung totoo nga ang mga usap-usapang ito, magsasalita nga kaya sina Aljur at Kylie tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay o pipiliin na lamang nilang manahimik?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media