Connect with us

Showbiz

Kylie Padilla at dalawang anak nito, nakatira ngayon sa bahay ng kaniyang amang si Robin Padilla matapos umalis sa bahay ng kaniyang mister na si Aljur Abrenica!

Published

on

Hindi tulad ng inaakala ng marami na ang pag-aasawa ay isang “happily ever after” palagi tulad ng mga fairytales na ating napapanuod at nababasa noong ating kabataan, unti-unti na tayong namumulat na iba pala talaga kapag naroroon ka na sa sitwasyon kung saan ikaw na mismo ang makakaranas ng mga pagsubok at problema sa isang relasyon. Kamakailan lamang ay naging kontrobersiyal na usapin ang hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Kahit pa nga mayroon na silang dalawang mga anak ay hindi pa rin naging rason ito upang hindi nila maranasan ang mga pagsubok na kalimitan ay pinagdaraanan talaga ng isang mag-asawa. Marami ang nalungkot at marami din ang nagulat dahil sa inaakala nga talaga nila na maayos ang relasyon ng celebrity couple ngunit hindi pala.

Matapos kumpirmahin ng tatay ni Kylie na si Robin Padilla na hiwalay na nga sina Kylie at Aljur ay wala pa ring opisyal na pahayag o kumpirmasyon mula sa magkabilang panig. Sa ngayon ay hindi na nakatira sina Kylie at dalawang anak nila sa townhouse ni Aljur.

Bagkus ay lumipat na ito sa tahanan ng kaniyang ama sa Fairview, Quezon City. Ayon naman sa ilang mga balita ay nananatiling nasa Batangas City si Aljur sa poder ng kaniyang mga magulang.


Minsan nang nagbahagi ng kaniyang appreciation post si Kylie sa kaniyang ina na si Liezl Sicangco at maraming mga netizens ang nakapansin nito. Gayundin naman ay madalas ding makita ang mga videos at larawan ni Kylie sa kaniyang mga social media accounts.


Marami din ang nakapansin sa pagbabago niya ng kaniyang “looks” na ngayon nga ay mayroon nang maiksing buhok na talagang bagay na bagay sa kaniya. Sa ngayon ay marami pa rin ang umaasang magkakaayos pa ang mag-asawa.

Isa na rito ang ama ng aktres na si Robin. Ito ay hindi lamang para sa kanilang naging pagsasama ng ilang taon kundi para na rin sa kinabukasan ng kanilang dalawang anak.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media