Connect with us

Viral

Kauna-unahang Pinoy na nakapagtanim at nakapagpatubo ng “Apple Tree” sa Pilipinas, kilalanin!

Published

on

Marahil ay madalas na nating marinig ang mga katagang “An apple a day makes a doctor away!” Nangangahulugan ito na sa loob ng isang araw ay maaari tayong kumain ng isang mansanas at dahil sa sustansiyang taglay nito ay talagang makakaiwas na tayo sa hindi inaasahang sakit o di kaya naman ay pagpapaospital.

 

Isa na nga ang mansanas sa mga paboritong prutas ng maraming mga Pilipino. Hindi lamang ito maaaring kainin ng solo kundi madalas din itong ilagay sa ilang mga panghimagas natin tulad na lamang halimbawa ng “fruit salad” o di kaya naman ay “apple pie”.

Ngunit dahil na rin sa ating mainit na klima dito sa bansa ay hindi talaga makapagtanim at makapagpatubo ng puno ng mansanas ang marami sa ating mga kababayang magsasaka. Ngunit laking gulat na lamang ng publiko ng magtagumpay ang isang Pinoy mula sa Davao del Sur na makapagpatubo ng puno ng mansanas.

Siya ay walang iba kundi si Benzone Kennedy Franes Sepe. Ayon sa ilang mga ulat, nagtanim siya noon ng tatlong buto ng mansanas. Sa kasamaang-palad ay dalawa sa mga ito ang hindi na sumibol pa at tuluyan nang nangamatay.

Mayroon naman isang natira sa nga butong ito kung kaya talagang sinikap niyang maalagaan ito ng husto. Nangalap siya ng maraming mga impormasyon at paraan kung paano niya mapapalago ang nabuhay na buto ng mansanas.

Ayon sa kaniyang naging pananaliksik, ang pagbali ng sanga nito upang masinagan ng araw ay talagang naging malaking tulong upang mabuhay ang kaniyang itinanim. Ilang taon pa ang nakalipas at tuluyan nang lumago ang kaniyang puno.

Matapos nito ay naghintay pa siya ng ilang buwan at nakaani na siya ng apat na bunga ng mga mansanas. Dagdag pa ni Benzone ay wala naman daw naging pagkakaiba sa lasa ng mga mansanas na binibili natin sa ibang bansa ang mga bunga ng mansanas na kaniyang itinanim.

Talaga namang nagbunga ng literal ang kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga na mapalago ang puno ng mansanas.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media