Connect with us

Viral

Karen Davila, binisita ang malawak na mansyon ni Senador Manny Pacquiao sa Makati kung saan ipinagluto pa siya nito!

Published

on

Si Emmanuel Dapidran Pacquiao Sr. o mas nakilala natin bilang si Manny Pacquiao ay 42 taong gulang na “professional boxer” at pulitiko. Kinikilala siya na isa sa pinakamahusay na professional boxers sa buong mundo.

Photo credit: Karen Davila Youtube

Kung noon ay talagang namulat siya at ang kaniyang pamilya sa kahirapan, ngayon ay marami na siyang naipundar na mga ari-arian, mamahaling mga sasakyan, gamit, at ilang mga negosyo. Hindi na rin hirap ang kaniyang pamilya pagdating sa pang-araw-araw na gastusin.

Photo credit: Karen Davila Youtube

Ang kaniyang mga anak din na sina Michael Pacquiao, Emmanuel Pacquiao Jr, Mary Divine Grace Pacquiao, Queen Elizabeth Pacquiao at Israel Paquiao ay nag-aaral sa eksklusibong paaralan. Ang kaniyang misis naman na si Jinkee Pacquiao ay marami na ding koleksyon ng mga mamahaling bags, sapatos, mga damit at iba pang gamit.

Kamakailan lamang ay naitampok ang senador sa vlog ng broadcaster at television presenter na si Karen Davila. Nagbiro pa ito sa pasimula ng kaniyang vlog kung papasukin ba siya o susuntukin ng senador.

Photo credit: Karen Davila Youtube

Buong respeto naman siyang binati ni Manny at pinatuloy sa kaniyang mansyon sa Makati. Napansin din ni Karen ang bible verse sa hallway ng kanilang tahanan, ang Joshua 24:15.

Sa dami ng kaniyang mga bahay at mansyon sa loob at labas ng bansa ay dito sila naninirahan ng buo niyang pamilya mula pa ng magkaroon ng pandemya sa bansa. Nang makapasok na siya sa mansyon ng mga Pacquiao ay talaga namang humanga siya dahil sa napakalawak at napakaganda ng tahanan nilang ito.

Photo credit: Karen Davila Youtube

Ipinagluto pa ng senador ng “Eskabeche” si Karen at muli itong bumilib dahil sa marunong palang magluto ang sikat at mahusay na boksingero. Inamin naman niyang hindi siya sanay magluto na ikinagulat din ni senador Manny.

Photo credit: Karen Davila Youtube

Pinaunlakan din ng senador na makita ni Karen ang kaniyang opisina, maging ang hardin at malaki nilang swimming pool. Tunay nga na malayo na talaga ang narating ni senador Manny ngunit nakakamanghang malaman na nananatili pa rin ang kaniyang mga paa na nakatapak sa lupa.

Inspirasyon din sa maraming mga Pilipino ang kaniyang matatag na pananampalataya at ang buong-pusong pagtulong sa kapwa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media