Connect with us

Viral

Kakaibang “war room” ng 2019 architecture board top notcher, nagsilbing inspirasyon ng maraming mga Pilipino ngayon lalo na sa panahon ng pandemya!

Published

on

Maraming mga estudyante ang talagang nakatagpo ng inspirasyon sa kwento ng 2019 architecture board top notcher na si Justin Lei Ramos. Kahit kasi mukhang imposible ay nagawa pa rin niyang makamit ang kaniyang pinapangarap na maging isang ganap na arkitekto.

Minsan na nating nasaksihan kung ano ang hitsura ng kaniyang “war room”. Kapansin-pansin ang napakaraming mga papel na nakadikit sa dingding.

Punong-puno din ito ng maraming mga “notes” para sa kaniyang paghahanda noon sa licensure exam. Napakarami din ng kaniyang mga ring binder.

Visual learner din daw kasi siya kung kaya naman mas malaking tulong kung palagi niyang makikita at mababasa ang mga impormasyong ito.

“Naisip ko pong idikit iyong mga review materials sa wall ng room ko kasi I’m a visual learner. And also, I’m better at remembering and memorizing things if lagi ko pong nakikita.” Pahayag ni Justin sa kaniyang PEP interview nooong Hulyo 26, 2021.


Si Justin ay mula sa Alegria, Cebu at sa Cebu Institute of Technology-University (CIT-U) siya nagtapos ng kolehiyo. Noong una ay inakala lamang niyang fake news ang balitang siya ang top notcher ngunit kalaunan ay nakumpirma nilang totoo nga ito.

Pangarap niya talagang maging isang arkitekto ngunit ang kaniyang ina ay nais siyang maging isang nars. Sinubukan din naman niyang matapos ang kursong ito ngunit hindi raw talaga siya para sa medical field.

Ayaw man niyang maging problema at pabigat para sa kaniyang mga magulang ay mas minabuti na niyang mag-shift ng kursong Architecture na talagang gusto niya noong una pa lamang. Nagbigay din ng paalala si Justin para sa mga estudyanteng nagnanais na makapasa sa licensure exam na huwag kalilimutang magdasal bago at pagkatapos mag-review, mag-pokus at i-deactivate ang social media upang wala talagang distraksyon at higit sa lahat ay sibukan ding mag-relaks paminsan-minsan.


Sa ngayon ay siya na ang co-founder ng “TopLab Architecture” na gumagawa ng mga flashcards para sa mga estudyante at board exam reviewees.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media