Connect with us

Showbiz

Jimmy Santos, sinubukan din ang paggawa ng uling na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga katutubong Aeta!

Published

on

Si Jaime Santos o mas nakilala natin bilang si Jimmy Santos ay 69 na taong gulang na host, komedyante at dating propesyonal na basketball player. Mas minahal siya ng publiko nang mapabilang siya sa mga hosts ng “Eat Bulaga!”

Photo credit: Jimmy Saints Youtube Channel

Dahil sa talaga namang nakakatawa ang kaniyang mga sablay na jokes lalo na kung kasama sina TVJ. Kamakailan lamang ay nasorpresa ang kaniyang mga tagahanga matapos niyang maglabas ng ilang mga videos o vlogs online.

Photo credit: Jimmy Saints Youtube Channel

Hindi kasi tulad ng ilang mga vloggers ngayon na wala kang mapapala at maaksaya lamang ang iyong oras ay talagang kapupulutan naman ng aral ang kaniyang mga vlogs. Isa na nga rito ang ginawa niyang video nang itampok niya ang mga katutubong Aeta sa Pampanga.

Sa nauna niyang vlog ay ipinasilip niya sa publiko ang mga kilalang lugar dito gayundin ang mga pangunahing ikinabubuhay ng mga tao roon. At ngayon nga ay ibinahagi naman niya ang pangunahing ikinabubuhay ng mga katutubong Aeta sa Pampanga, ang paggawa ng uling.

Photo credit: Jimmy Saints Youtube Channel

Sadyang mahirap talaga ang buhay kung kaya naman hindi alintana ng mga katutubo ang hirap ng paggawa at pagbebenta ng mga uling na ito. Hindi nagdalawang-isip ang batikang komedyante na tumulong sa mga katutubong Aeta habang sila ay gumagawa ng uling.

Sadyang napakasipag din naman ng mga katutubong ito na naninirahan sa Clark Sun Valley. Maliban sa paggawa ng uling ay tumulong na rin siya sa pagbubuhat ng mga ito.

Photo credit: Jimmy Saints Youtube Channel

Hindi maikakaila na masaya ang mga tao roon sa ginawang pagbisita ng batikang komedyante na talagang nagpangiti at nagpasaya sa kanilang lahat. Tunay nga na hindi madali ang buhay sa bundok man o sa kapatagan.

Ngunit tulad nga ng madalas sabihin ng mga nakatatanda, hindi ka magugutom lalo na kung ikaw ay masipag sa buhay kahit pa saang dako ka man manirahan. Tiyak na mas maraming mga Pilipino ang makakapulot ng aral sa vlog na ito ni Jimmy Santos.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media