Connect with us

Viral

Isang matapat na tricycle driver nagsauli ng Php98,000 na nahulog sa isang pasahero!

Published

on

Sadyang pahirap na talaga ng pahirap ang buhay para sa maraming mga Pilipino. Wala kasing humpay ang pagtaas ng mga bilihin habang nananatili namang mababa ang sweldo ng mga empleyado.

Dahil na rin sa pandemya ay mas marami pang mga pamilya ang naapektuhan. Marami din kasing nagsarang mga negosyo at establisyemento, kasabay nito ang pagtatanggal ng mga manggagawa dahil sa hindi na talaga kumikita ang mga negosyong ito.

Nakakalungkot mang isipin ngunit ganito na talaga ang nararanasan natin sa ngayon. Sa kabila ng maraming mga pagsubok at paghihirap natin ngayon ay mayroon pa rin palang mga tao na nananatiling matapat.

Tulad na lamang ng isang tricycle driver na ito na pinili pa ring isauli ang napulot niyang pera sa tunay na nagmamay-ari nito. Ang napulot niyang Php98,000 ay kaagad na isinauli ni Volta delos Santos.


Ayon sa kaniyang naging salaysay ay nahulog ng isang pasahero ang kaniyang pitaka sa SM Toda kung kaya naman nang malaman niyang malaking pera pala ang laman nito ay kaagad niya itong ipinagbigay-alam at sinauli sa otoridad. Lubos naman ang pasasalamat ng ginang dahil sa naibalik sa kaniya ang nahulog niyang pera.

Hindi makapaniwala ang maraming mga netizens na mayroon pa palang ganitong mga tao sa ngayon na talagang gagawa pa rin ng mabuti sa kabila ng kahirapan at pagsubok na kanilang nararanasan sa buhay. Marami din ang mga netizens na nagsabing tiyak na pagpapalain ang driver na ito sa pagiging mabuti niya sa kaniyang kapwa.

Hindi lahat ng tao ay magagawang isauli ang ganito kalaking halaga ng pera lalo na kung sila mismo ay mayroon ding mahigpit na pangangailangan. Ayon sa ilang mga netizens ay nagsilbing inspirasyon daw ang driver upang mas marami pang mga Pilipino ang gumawa ng mabuti.

Hindi sukatan ang estado sa buhay, ang trabaho o kahit ang edad upang gumawa ng mabuti sa kapwa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media