Connect with us

Viral

Isang matandang bulag, patuloy pa rin sa pagtatrabaho upang makapag-ipon at maipatayo muli ang kaniyang munting bahay na sinira ng bagyo!

Published

on

Kung marami sa atin ang madalas na nagrereklamo sa maraming mga bagay sa ating paligid, tulad na lamang ng trabaho o di kaya naman ay mga simpleng bagay sa araw-araw, mayroon pa rin namang iilan na talagang nagsusumikap upang magpatuloy sa kanilang buhay. Mga taong may kapansanan o may kakulangan man pero nagagawa pa ring magtrabaho at magbanat ng buto.

Photo credit: Virgelycares Youtube

Tulad na lamang ng isang matandang lalaki na ito. Naitampok ng vlogger na si Virgelyncares ang matandang lalaki na si Tatay Jimmy sa kaniyang vlog at talagang maraming mga tao ang naantig sa kwento ng matanda.

Ayon sa naging panayam ng vlogger sa matanda, nasira ng bagyo ang kaniyang bahay noon kung kaya naman sa kabila ng kaniyang kapansanan ay talagang nagtatrabaho pa rin siya. Dahil sa pagnanais niyang maitayong muli ang kaniyang munting tahanan ay naglalako siya ng walis sa daan.

Photo credit: Virgelycares Youtube

Kahit na matindi ang init ng araw ay naglalakad pa rin siya ng ilang kilometro para lamang makapagbenta ng mga paninda niyang walis tambo. Dahil sa nakakamanghang kwento ng matanda ay ninais ng vlogger na tulungan itong mapagawa ang kaniyang munting bahay.

Hindi makapaniwala si Tatay Jimmy sa umpisa ngunit nang makumbinsi itong totoo ang tulong ng vlogger para sa kaniya ay walang humpay ang pasasalamat nito. Bakas din sa kaniyang mukha ang labis na kaligayahan sa natanggap na biyaya.

Photo credit: Virgelycares Youtube

Nag-abot din siya ng kaunting tulong kung saan hindi na kakailanganin pang maglako ng walis ng matanda. Laking pasasalamat naman ni Tatay Jimmy dahil sa natanggap niyang tulong mula sa vlogger at sa mas marami pang mga tao na nagnanais na tumulong sa kaniya.

Photo credit: Virgelycares Youtube

Tunay nga na hindi pa huli ang lahat lalo na kung ikaw mismo sa iyong sarili ay nagsusumikap at nagtitiyaga pa sa buhay sa kabila ng maraming mga pagsubok at problema. Sa kabilang banda, marami din naman ang pumuri sa kabutihang loob ng vlogger dahil sa ginawa nitong pagtulong sa bulag na si Tatay Jimmy.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media