Connect with us

Viral

Isang lalaki na natagpuang nakahandusay sa gilid ng kalsada, ginulat ang mga tao nang bigla na lamang itong bumangon at naglakad palayo!

Published

on

Nakakalungkot mang isipin ngunit hindi nalamang kahirapan at korapsyon ang laganap sa ating bayan. Maging ang mga nakakatakot at nakakabahalang krimen ay talagang wala na ring pinipiling lugar.

Kamakailan lamang ay nagulat ang publiko nang makita ang isang lalaki na ito na walang malay na nakahandusay sa gilid ng kalsada. Inakala ng mga taong nakasaksi sa naturang pangyayari na siya ay biktima ng karahasan o di kaya naman ay naaksidente.

Maghahating-gabi na kasi noon nang mabulahaw ang mga residenteng naninirahan malapit sa National Highway sa Purok 5 Barangay Bialong M’lang, Cotabato City. Dahil sa modernong teknolohiya natin sa ngayon ay mayroon ding ilang mga residente sa lugar ang nag-live ng pangyayaring ito online.

Kung kaya naman kitang-kita sa naturang live video kung paanong ang katawan ng naturang lalaki na inakala na nilang wala nang buhay ay bigla na lamang bumangon na tila ba naalimpungatan mula sa mahimbing na pagkakatulog. Makikita pang umupo pa ito sandali na tila nag-iipon ng lakas sa susunod niyang gagawin.


Ilang segundo pa ang nakalipas at agad nga itong tumayo na pasuray-suray at naulinigan ding sinabi sa isang tao roon na malapit lang ang kaniyang bahay sa lugar. Hindi naman napigilan ng mga taong nakasaksi na matawa sa pangyayaring ito dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ganito ang magiging katapusan ng nakakakabang pangyayari.

Ang lalaking natagpuan na nakahandusay sa kalsada ay napatunayan ngang lasing at hindi biktima ng karahasan o kahit ng aksidente. Nagsilbing aral din ito sa marami lalo na sa mga taong mahilig uminom ng alak na huwag nang iinom ng sobra lalo na kung magiging dahilan ito upang mawalan ng malay sa daan.

Hindi lamang ito magdudulot ng kapahamakan sa kanila dahil labis ding mag-aalala ang kanilang mga pamilya kung sakaling makatulog sila sa tabing kalsada o sa ibang mga delikadong lugar pa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media