Connect with us

Viral

Isang lalaki, gumastos ng Php4, 100,000 para lamang maging isang ganap na Dragon Lady!

Published

on

Hindi na bago sa atin ang katotohanan na mayroon talaga tayong kaniya-kaniya nating pamantayan pagdating sa maraming mga bagay. Kung maraming mga Pilipino ang nagnanais na magkaroon ng simple at komportableng pamumuhay lamang, may ibang tao din naman na mayroong ibang gusto sa buhay.


Marami man tayong mga pagkakaiba ay hindi ito nangangahulugan na mayroon na tayong karapatan na sila ay husgahan at saktan. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang kwentong ito ng isang lalaki.

Ang lalaki na ito ay nagnais maging isang ganap na “Dragon Lady” kahit pa nga gumastos siya ng halos Php4.1 milyong piso upang maisakatuparan ito. Siya ay walang iba kundi si Tiamat Legion Medusa.


Dati rin siyang lalaki ngunit sumailalim na siya sa maraming mga “cosmetic procedures” upang maging isang ganap na dragon. Maaaring nakakatakot ang kaniyang hitsura para sa iba ngunit layunin niya talaga na maging isang “positive representative” ng mga taong sumailalim na sa mga “body modifications”.

Nanawagan din naman siyang huwag basta basta na lamang manghusga ng tao base lamang sa kanilang panlabas na hitsura. Lingid sa kaalaman ng publiko ay gumastos na siya ng £61,000 o halos P4.1 milyong piso para ipatanggal ang kaniyang tenga, magpatattoo sa buo niyang katawan at marami pang iba.

Si Tiamat ay isinilang noon bilang si Richard Hernandez. Dati rin siyang VP sa isang financial institution.

Taong 1997 pa nang magdesisyon siyang simulan ang pagbabagong ito sa kaniyang sarili. Nagpatanggal na rin siya ng kaniyang ari para lamang maging isang ganap na “Dragon Lady”.

Nakakatanggap man ng mga negatibong komento ay hindi na lamang niya ito pinapansin dahil sa masaya siya sa kinalabasan ng kaniyang mga pinagawa sa kaniyang mukha at katawan. Tunay nga na hindi man natin siya katulad sa panglabas nating anyo ay marami pa rin naman tayong pagkakatulad pagdating sa ating mga nararamdaman bilang isang tao.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media