Connect with us

Viral

Isang 22-anyos na dalaga, nagsilbing inspirasyon sa publiko matapos makapagpundar ng bahay at lupa sa halagang Php6,000 na downpayment lamang!

Published

on

Marami sa atin ngayon ang hirap na makapagpundar ng sarili nating bahay at lupa. Nakakalungkot mang isipin ngunit kadalasan ay nauuna pa ang pagbuo natin ng sarili nating pamilya kaysa sa pagpupundar ng sarili nating tirahan.

Kung kaya naman ang resulta ay matagal tayong nakikitira sa ating mga magulang o kamag-anak. Mayroon din namang ilang mga Pilipino na mas pinipili na lamang mangupahan ng kwarto o maliit na bahay para sa kanilang pamilya.


Marahil, ito ang ilan sa mga iniiwasang mangyari ng dalagang si Cams Cruz kung kaya naman sa edad na 22 taong gulang ay talagang nagsumikap na siyang makapagpundar ng sarili niyang bahay at lupa. Talaga namang napabilib at napamangha niya ang publiko dahil sa murang edad ay nais na niyang makapagpundar ng sarili niyang tirahan na talagang magiging kapakipakinabang sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

Sa halagang Php6,500 ay nakapagbayad na siya ang downpayment niya para sa 44 sqm house and lot sa Bocaue, Bulacan. Hindi pa ito sa kaniya nang buong buo dahil sa kailangan pa niya itong bayaran sa mga susunod na taon.

Ngunit laking pasasalamat na rin niya dahil sa kahit papaano ay nakapangalan na ito sa kaniya mismo. Matapos daw niyang magpareserve ng unit ay mayroon pa siyang 45 araw bago simulant ang installment nito na Php6,288 lamang kada buwan sa loob ng 25 taon.

Kapag nakakumpleto na siya ng 18 buwan ng paghuhulog ay maaari na silang lumipat dito kaagad. Tunay nga na maraming mga kabataan ang napa-wow sa ginawang ito ni Cams.

Dahil kung marami ang nakapokus sa kanilang mga luho, pagnanais na makapagbiyahe sa iba’t-ibang bansa, at bumili ng masasarap na mga pagkain, talagang nagsusumikap siyang unahin ang pagpupundar niya ng bahay hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi maging para sa kaniyang pamilya. Kung mas marami sa atin ang gagawa nito, mas darami din ang mga taong makakapagpundar ng bahay at makakapagretiro ng maaga.

Marami pa silang oras at panahon para sa kanilang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media