Connect with us

Showbiz

Gwapong anak ni Derek Ramsay na si Austin, binata na ngayon, kilalanin!

Published

on

Si Derek Arthur Paggao Ramsay Jr. o mas nakilala natin sa screen name niyang Derek Ramsay ay 44 na taong gulang na British-Filipino model, aktor, at host. Isa siya sa mga hinahangaang aktor ngayon at hindi na rin mabilang ang kaniyang mga naging pelikula at programa sa telebisyon.

Nitong nagdaang mga buwan ay madalas siyang laman ng mga balita dahil na rin sa relasyon nila ngayon ng aktres na si Ellen Adarna. Nag-propose na si Derek sa kaniyang nobya kahit na halos dalawang buwan pa lamang silang magkasintahan.

Para kay Derek ay naramdaman niya talagang si Ellen na ang babaeng pakakasalan niya. Ayon naman sa naging pahayag ni Ellen nang siya ay makapanayam, pumayag siya sa alok na kasal ng nobyo dahil alam niyang magiging masaya siya sa piling nito kahit pa nga maiksing panahon pa lamang sila nagkakakilala.


Kahit na mayroong anak si Ellen sa dati niyang partner na si John Lloyd Cruz ay tanggap at buong pusong niyakap ito ni Derek. Gayundin naman si Ellen na tinanggap ng buo ang anak ni Derek na si Austin.

Bago pa man ma-link si Derek sa ilang mga magagandang personalidad sa showbiz ay minsan na siyang umibig at ikinasal kay Mary Christine Jolly. Ayon sa ilang mga ulat ay dati itong Kapuso actress.

Ang kasal nilang ito ay hindi isinapubliko ni Derek kung kaya naman laking gulat ng kaniyang mga tagahanga nang mabunyag na mayroon na pala siyang 11 taong gulang na anak noong 2014 sa dati niyang asawa. Siya ay si Austin Gabriel Ramsay.

Siya ay lumaki sa Dubai kung saan nanirahan ang kaniyang ina na si Mary nang maghiwalay sila ng aktor. Ayon pa sa ilang mga nauna nang ulat ay taong 2011 lamang nang makumpirma nga ni Derek na anak niya talaga si Austin.

Naging mainit man na isyu ang tungkol kina Derek at Mary ay nasa maayos naman nang kalagayan ngayon ang kanilang anak na si Austin na 18 taong gulang na. Tulad ng kaniyang ama na si Derek ay nakakakitaan din ng pagkahilig sa sports si Austin.

May ilang anggulo din na kahawig siya ng kaniyang ama at kung minsan naman ay kahawig niya ang kaniyang ina. Papasukin niya din kaya ang mundo ng showbiz pagtungtong niya sa wastong edad?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media