Connect with us

Showbiz

Ellen Adarna, nagbahagi ng ilang mga larawan niya noong ipinagbubuntis pa niya si Elias Modesto na anak nila ni John Lloyd Cruz!

Published

on

Si Ellen Meriam Go Adarna ay 33 taong gulang na aktres at modelo. Siya ang kaisa-isang anak ng mayaman na mag-asawang may-ari ng ilang mga hotel, condominium at ng Queensland na chain ng mga motels na matatapuan sa Cebu, Manila, at Davao.

Nagpatayo rin ang kaniyang pamilya ng sariling templo ng kanilang yumaong lola. Noon pa man ay hinahangaan na si Ellen dahil sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan.

Ilang mga proyekto din ang kaniyang nagawa bago pa man sila magkakilala ng aktor na si John Lloyd Cruz. Naging malapit sila sa isa’t-isa at ang kanilang relasyon ay nabibiyaan ng isang anak na lalaki.

Si Elias Modesto na tatlong taong gulang na ngayon. Kamakailan lamang ay nagpaunlak si Ellen ng ilang mga katanungan at kahilingan mula sa kaniyang mga followers online.

Humiling ang isa sa mga netizens kung maaari siyang magbahagi ng ilang mga larawan niya noong siya ay buntis pa. Hindi naman siya nagdalawang-isip na pagbigyan ang hiling ng netizen.

Ilang mga larawan ang ipinasilip ni Ellen kung saan kapansin-pansin ang malaki niyang tiyan, medyo tumaba din siya ngunit bakas na bakas pa rin ang angkin niyang kagandahan.

Marami ang humanga at bumilib sa kanila dahil ilang taon pa lamang matapos niyang manganak ay naibalik na niya ang balingkinitan niyang katawan noong siya ay dalaga pa. Hindi man naging matagumpay ang relasyon nila ni John Lloyd ay nanatili naman silang co-parent para sa kanilang anak.

Nakatagpo na rin si Ellen ng bagong pag-ibig sa katauhan ni Derek Ramsay at malapit na rin silang ikasal. Nalungkot ang mga tagahanga nila ni John Lloyd dahil sa pangyayaring ito ngunit nananatili pa ring nakasuporta ang mga ito sa karera nina Ellen at John Lloyd sa showbiz.

Hindi naman dahil naghiwalay na sila ay hindi na nila magagawa ang mga bagay na nagagawa ng mga magulang. Kahit papaano ay nakakuha pa rin ng aral at inspirasyon ang publiko mula sa kanilang mga naging karanasan.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media