Connect with us

Showbiz

Cindy Miranda na leading lady ni Aljur Abrenica sa kontrobersiyal niyang pelikula, nagsalita na patungkol sa diumano ay “third party issue”!

Published

on

Nagulat ang publiko nang mapabalita ang diumano ay paghihiwalay nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Ito ang isiniwalat ng ama ni Kylie na si Robin Padilla nang minsan siyang interviewhin ni Ogie Diaz sa vlog nito.

Ayon sa batikang action star, noon pa man ay tinatanong na niya ang kaniyang anak kung naagrabyado ba ito, palaging sagot ng aktres na hindi. Kamakailan lamang ay tinanong niyang muli ang kaniyang anak at sinabing hindi raw ito agrabyado dahil sa siya na mismo ang nakipaghiwalay kay Aljur.

Sa ngayon ay mayroon silang “co-parenting” agreement para na rin sa kapakanan ng dalawa nilang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo. Maraming mga netizens ang nagsasabing si Cindy Miranda daw ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Si Cindy Miranda ay isang sikat na aktres at dating beauty queen na madalas na lumalabas sa mga “maiinit” na pelikula. Sa darating na Hulyo 30, 2021 ay maaari nang mapanuod sa “Vivamax” ang kanilang pelikula na pinamagatang “Nerisa”. Samantala, hindi naman nakaligtas si Cindy sa mga matatalas na mata ng mga netizens. Isang netizen kasi ang nagkomento sa kaniyang IG post at sinabing: “Sana pure work lang kayo. Wag sana manira ng pamilya.”

Agad namang sumagot si Cindy at sinabing “Yes. Very professional. I’m not the third party. Thanks.” Hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin masyadong nagbibigay ng detalye si Kylie sa tunay na dahilan o kung sino nga ba talaga ang third party sa kanilang hiwalayan.

Nananatili din namang tikom ang bibig ni Aljur patungkol sa kontrobersiyang ito. Marami ang nalungkot nang malaman ang hiwalayan na ito nina Kylie at Aljur. Dati na kasi silang nagkahiwalay noon bilang magkasintahan at nang muli ngang magkrus ang kanilang mga landas ay doon na muling nabigyan ng pagkakataon ang kanilang pag-iibigan.

Kahit pa nga maraming tutol sa kanilang relasyon at sa kanilang pagpapakasal ay itinuloy pa rin nila ito hanggang sa nadagdagan ang isa nilang anak na ngayon ay dalawa na.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media