Connect with us

Viral

Angking kagandahan at kaseksihan ng Mexican Superstar na si Thalia, wala pa ring kakupas-kupas sa edad na 49 taong gulang!

Published

on

Wala pa ring kupas ang angking kagandahan at kaseksihan ni Thalia kahit pa nga siya ay 49 na taong gulang na. Si Thalia ay si Ariadna Thalía Sodi Miranda Mottola sa tunay na buhay.

Siya ay mula sa Mexico. Isa siyang sikat na singer, aktres, endorser, at businesswoman.

Photo credit: thalia/instagram

Maliban sa Marimar ay nakilala din siya sa kaniyang mga proyekto tulad ng Maria la del Barrio, Maria Mercedes, at Rosalinda. Talaga namang nakakamangha ang kaniyang talento sa pag-arte kahit noon pang siya ay dalaga pa lamang.

Photo credit: thalia/instagram

Inosente kasi ang kaniyang mukha at talaga namang napakaganda rin ng kaniyang pangangatawan. Para sa milyong-milyon niyang mga tagahanga ay hindi lamang siya Reyna ng Mexicanovela dahil sa talagang napaka-iconic ng aktres na si Thalia.

Siya rin ang itinuturing na “Queen of Latin Pop” dahil sa higit 25 milyong records na kaniyang naibenta sa buong mundo. Hindi lamang talentado a maganda si Thalia dahil sa nananatili pa rin siyang balingkinitan hanggang sa ngayon.

Photo credit: thalia/instagram

Kahit pa nga 49 taong gulang na siya at mayroon na rin siyang dalawang anak ay nagawa pa rin niyang alagaan ang kaniyang pangangatawan. Ang napangasawa si Thalia ay si Tommy Mottola na isang music executive, sa ngayon ay mahigit 20 taon na rin silang magkasama ngunit nanatili pa rin silang matatag sa paglipas ng panahon.

Photo credit: thalia/instagram

Ang kaniyang mga anak ay sina Sabrina Sakae Mottola Sodi, 12 taong gulang at Matthew Alejandro Mottola Sodi edad walong taong gulang. Tunay nga na hanggang ngayon ay nagsisilbi pa rin siyang inspirasyon para sa maraming mga kababaihan.

Sa kabila kasi ng mga nakamit niyang tagumpay ngayon ay nakatapak pa rin ang kaniyang mga paa sa lupa. Sa ngayon ay hindi na siya madalas mapanuod sa harap ng kamera dahil sa abala rin siya sa maraming mga bagay.

Photo credit: thalia/instagram

Hindi lamang sa kaniyang mga negosyo kundi lalo na sa kaniyang pag-aasikaso sa pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media