Connect with us

Showbiz

Anak ni Aiko Melendez na si Marthena Jickain, pumukaw sa atensyon ng publiko dahil sa pambihira niyang ganda tulad ng kaniyang ina!

Published

on

Si Aiko Melendez ay 45 taong gulang na aktres at dating pulitiko sa bansa. Dati ring aktor ang kaniyang ama na si Jimmy Melendez.

Photo credit: Aiko Melendrez instagram

Dekada ’80 nang unang makilala si Aiko bilang isang child star. Marami ang talagang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan.

Hindi na nakapagtataka na marami ang magkagusto sa kaniya. Ngunit ang unang nakabihag sa kaniyang puso ay walang iba kundi ang aktor na si Jomari Yllana.

Photo credit: Aiko Melendrez instagram

Nabiyayaan sila ng isang anak na lalaki na ngayon at binata na rin at unti-unti nang gumagawa ng pangalan sa showbiz. Hindi nagtagal ang pagsasama nina Jomari at Aiko ngunit nabigyan siyang muli ng pagkakataon na magmahal sa katauhan ni Martin Jickain.

Nagbunga din ang kanilang pagmamahalan, si Marthena. Sa kasamaang-palad ay hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon.

Photo credit: Aiko Melendrez instagram

Hindi man naging matagumpay ang mga relasyon na ito ni Aiko ay nabiyayaan naman siya ng dalawang mga anak. At ngayon nga ay marami ang nakapansin sa angking kagandahan ng anak niyang si Marthena.

Para kasing nagbalik sa pagkadalaga si Aiko sa katauhan ng kaniyang anak. Magkamukhang-magkamukha silang dalawa.

Photo credit: Aiko Melendrez instagram

Hindi lamang artistahin si Marthena dahil sa mahilig din siyang maglaro ng volleyball. Higit pa rito ay mahusay din siyang estudyante kung kaya naman proud na proud sa kaniya ang kaniyang ina at kuya.

Lumaki man sila sa poder ng ina nilang si Aiko ay hindi naman sila nangulila sa kanilang ama dahil sapat naman ang pagmamahalan sa kanila ng kanilang ina. Sa ngayon ay madalas pa ring mapanuod si Aiko sa ilang mga teleserye at pelikula.

Wala pa ring kupas ang angkin niyang kahusayan sa pag-arte, bidang karakter man o kontrabida ang kaniyang gampanan. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan siya online dahil sa napansin ng publiko ang tila pagbaba ng kaniyang timbang.

Photo credit: Aiko Melendrez instagram

Aakalain mo ngang naging dalaga muli ang aktres dahil sa fresh at blooming talaga ito.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media