Connect with us

Showbiz

Alex Gonzaga, natupad na ang pangakong dadalhin ang kaniyang buong pamilya sa isang sikat na resort sa San Benito, Batangas!

Published

on

Marami sa atin ang nasasabik nang makalabas at makapamasyal sa ibang lugar. Hindi rin kasi pinapayagan ng otoridad ang paglabas-labas ng mga tao upang makapamasyal kasama ang kanilang pamilya.

Minsan nang pinayagan ang ilang mga lugar sa bansa upang makalabas ang mga bata mula limang taong gulang pataas at mga nakakatatanda na nakakumpleto na ng bakuna ngunit agad din itong binawa dahil nga sa muling paglaganap na naman ng nakakahawa at mas delikadong variant ng COVID-19. Sa kabila ng mahirap na pagsubok na ito ay patuloy pa ring nagpapakatatag ang maraming mga pamilya at nananatiling positibo.


Kamakailan lamang ay marami tayong napapanuod na mga videos ng mga sikat na personalidad sa bansa na nagbabakasyon na kasama ang kanilang pamilya o ang kanilang mga kasintahan. Isa na nga sa kanila ang sikat na host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Minsan nang nakapamasyal sina Alex at ang kaniyang mister na si Mikee Morada sa “The Farm” sa San Benito, Batangas kung kaya naman ninais na talaga ni Alex na isama rin ang kaniyang buong pamilya upang maranasan din nila ang naging magandang karanasan nila dito. Kasama ng mag-asawa sa sikat na resort na ito sina Toni Gonzaga, Paul Soriano, Seve, Daddy Bonoy, Mommy Pinty at ang kanilang Uncle Jojo.

Talaga namang mababakas sa kanilang mga mata ang labis na kaligayahan dahil sa nagkaroon sila ng pagkakataon na muling mag-bonding bilang isang pamilya. Marami din naman ang natuwa sa latest na vlog na ito ni Alex dahil tulad ng mga nauna na niyang mga vlogs ay kapansin-pansin pa rin sa kaniya ang pagiging makulit niyang anak at tita.

Hindi naging madali ang mga pinagdaanan nila noon bilang isang pamilya bago pa man nila makamit ang lahat ng bahay na mayroon sila ngayon. Hindi lamang nila ipinapamalas ang kanilang pagmamahalan bilang isang buong pamilya ngunit mas marami din silang nabibigyan ng inspirasyon dahil sa matatag nilang pananampalataya sa Diyos.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media