Connect with us

Showbiz

Aktres na si Yam Concepcion, ikinasal na sa kaniyang “longtime boyfriend” sa New York!

Published

on

Ang pag-aasawa ay hindi raw kanin na mainit na kapag napaso ka ay maaari mong iluwa na lamang basta basta. Ito ay isang desisyon na talagang babago sa iyong buhay mula sa pagkadalaga o pagkabinata, hanggang sa pagiging isang ganap na ilaw o haligi ng tahanan.

Dahil sa pandemya ngayon ay maraming mga pag-iisang dibdib na napagpaliban at kadalasan ay hindi na talaga nasusunod sa “dream wedding” na gusto ng bride at groom. Nito lamang ika-15 ng Hulyo nang ikasal na sina Yam Concepcion at non-showbiz boyfriend niyang si Miguel Cuunjieng sa New York.

Ang kasal ng dalawa ay dinaluhan ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan. Ang kasalan nilang ito ay dinaos habang lulan sila ng isang barko.

Naimbitahan din sa kanilang kasal ang entertainment reporter na si MJ Felipe at ang columnist na si Tim Yap. Kapansin-pansin ang larawan nila kung saan makikita ang Statue of Liberty sa kanilang background.

Ang sikat na atraksyon na ito ay matatagpuan sa Liberty Island sa New York. Marami din naman ang naantig sa wedding vows nila para sa isa’t-isa.

“I will always believe that it wasn’t only fate that brought us together. It was our constant effort of making time for each other, whether it be video calls, leaving voice messages, or extra-long texts.” Sambit ni Yam para sa kaniyang groom.


Marami ang nasorpresa nang ibahagi ni Yam sa publiko na siya ay kasal na. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami ay engaged na sila noon pang 2018.

Naganap ang proposal sa Niseko, Japan. Marami ding mga sikat na artista ang bumati sa bagong yugto ng buhay na ito ni Yam kapiling ang kaniyang mister.

Si Lorraine May “Yam” Concepcion ay 33 taong gulang na aktres na hinangaan dahil sa mahusay niyang pagganap sa mga pelikula at teleserye. Marami na din siyang nagawang proyekto kung saan mas hinangaan pa ang kaniyang talento sa pag-arte.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media