Connect with us

Showbiz

Tahimik at simple na ang pamumuhay ng komedyanteng si Mura ngayon sa kanilang probinsiya sa Albay!

Published

on

Isa na marahil sa mga nakilala at tumatak na komedyante sa atin ay ang tambalan nina “Mahal at Mura”. Talaga namang marami ang kinagiliwan ang kanilang tambalan dahil sa pagiging natural ng kanilang pagpapatawa at pagiging masayahin.

Angtunay na pangalan ni Mahal ay Noemi Tesorero habang si Mura naman ay si Allan Padua sa tunay na buhay. Ang kanilang tambalan ay una nang sumikat noong taong 2003.

Inakala ng kanilang mga tagahanga noon na magkakatuluyan ang dalawa sa totoong buhay ngunit mayroong nobyo noon si Mahal. Sa ngayon ay hindi na madalas makita ang dalawa sa harap ng kamera kung kaya naman marami sa kanilang mga tagasuporta ang nagtataka at nagtatanong kung nasaan na kaya sila ngayon?

Ayon sa ilang mga nauna nang ulat, si Mura ay hindi na napapanuod ngayon sa pelikula man o sa telebisyon. Ito ay dahil sa napagdesisyunan na niyang mamuhay ng tahimik sa kanilang probinsiya.

Nagtamo kasi siya ng pinsala nang minsang maaksidente siya kung kaya naman kinailangan na din talaga niyang lisanin ang showbiz. Kapiling ang kaniyang pamilya ay nagtitinda na sila ngayon ng uling at nagtatanim ng mga gulay.

Mayroong 12 kapatid si Mura kung kaya naman kailangan din talaga niyang kumayod ng husto para sa kanilang malaking pamilya. Mulat siya sa hirap ng buhay kahit na noon pang musmos pa lamang siya.

Sa katunayan ay naging isang “ball juggler” sa sirkus siya noon sa loob ng limang taon. Naging back-up dancer din siya bago pa siya madiskubre at kuhanin ng isang talent manager para sa isang palabas.

Hindi lamang sa pagpapatawa hinangaan si Mura dahil kahit sa pag-arte ay talagang marami din ang bumilib sa kaniya. Aminado din naman siyang nami-miss niya ang mundo ng showbiz na nakasanayan niya noon, napamahal na ito sa kaniya ngunit sa ngayon ay talagang matumal ang dating ng mga proyekto sa kaniya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media