Connect with us

Showbiz

Silipin ang napaka-cute at napakagandang mga OOTD ng mag-inang Sofia Andres at Baby Zoe!

Published

on

Marami ang hindi makapaniwala nang mapabalitang malaki na ang anak ng aktres na si Sofia Andres. Hindi na bago sa mundo ng showbiz ang pagkakaroon ng mga isyu at kontrobersiyang ito.

Photo credit: Sofia andres instagram

Ngunit labis na ikinabigla ng publiko ang nalaman nilang ito tungkol kay Sofia. Ayon sa ilang mga ulat, nagawa nilang ilihim ang kaniyang pagdadalang-tao at ang kaniyang panganganak dahil sa ayaw nilang ma-stress pa ang aktres at maapektuhan ang bata sa kaniyang sinapupunan.

Photo credit: Sofia andres instagram

Nakalipas naman ang ilan pang mga buwan at unti-unti nang natanggap ng publiko ang pangyayaring ito. Sa ngayon nga ay madalas nang makita ang mga larawan ni Sofia at ng kaniyang anak na si Zoe Natalia Miranda sa kaniyang mga social media posts.

Maraming mga netizens ang hindi na napigilan pang mapamahal kay Baby Zoe. Batang-bata pa lamang siya ngunit talagang kakikitaan mo na siya ng pagkahilig sa kamera, pagmomodelo at marahil ay magiging tulad din siya ng kaniyang ina.

Photo credit: Sofia andres instagram

Marami ang namangha dahil sa talagang napaka-cute ni Zoe lalo na sa tuwing magkakaroon sila ng “twinning outfit” ng kaniyang ina. Hindi lamang mga swimwear kundi maging mga bistida, gowns at iba’t-ibang klase ng kasuotan ay nasubukan na yata nilang mag-ina.

Nobyembre 24, 2019 nang isilang ni Sofia si Zoe sa Sydney, Australia. June 2020 naman ng tuluyan na nilang ipinahayag sa publiko ang biyayang kanilang natanggap. Si Baby Zoe ay bunga ng pagmamahalan nina Sofia at ng kaniyang nobyong si Daniel Miranda.

Photo credit: Sofia andres instagram

Si Daniel ay hindi lamang isang professional car racer dahil sa isa rin siyang anak ng mayaman at maimpluwensiyang pamilya sa Pilipinas. Sa edad na 22 taong gulang ay marami na ring nagawang proyekto si Sofia.

Kung kaya naman kahit pa isa na siyang ganap na ina ay marami pa rin ang umaasa na magkakaroon pa siya ng mas maramaing mga proyekto sa pelikula man o sa telebisyon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media