Connect with us

Showbiz

Sila pala ang mga naggagandahang half-Filipina celebrities na namamayagpag ang karera ngayon sa Pilipinas!

Published

on

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng mga kaibigan at kakilalang mayroong banyagang lahi. Kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na marami sa ating mga kakilala ang mayroong lahing banyaga, maaaring isa sa kanilang mga magulang ay Pilipino at ang isa naman ay mayroong dugong dayuhan. Narito ang ilan sa kanila:

IVANA ALAWI


Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas nakilala natin sa screen name na Ivana Alawi ay 24 na taong gulanag na aktres, modelo at YouTuber. Ang kaniyang mga magulang ay isang Pilipina, si Fatima Alawi habang ang kaniya namang ama ay isang Moroccan. Isa siya sa pinakakilalang personalidad ngayon sa bansa dahial sa kaniyang mga YouTube vlogs na mayroong milyong-milyong views online. Sa ngayon ay mayroon na ring higit sa 13 milyong subscribers ang kaniyang YouTube channel.

LIZA SOBERANO


Si Hope Elizabeth Soberano o mas nakilala natin bilang si Liza Soberano naman ay isang half-American at half-Filipina. Ang kaniyang ama ay isang Pilipino habang Amerikana naman ang kaniyang ina. Itinuturing si Liza bilang isa sa may pinakamagandang mukha ngayon sa showbiz. Hinahangaan din ang nakakakilig na tambalan nila ng kaniyang “on and off screen loveteam” na si Enrique Gil.

ARCI MUÑOZ


Si Ramona Cecilia “Arci” Datuin Muñoz ay 32 taong gulang na modelo, aktres, at singer. Siya ang bokalista ng rock band na Philia. Ang kaniyang ama ay isang Spanish habang Pinay naman ang kaniyang ina.

CATRIONA GRAY


Ang napakagandang si Miss Universe 2018 Catriona Gray naman ay mayroong dugong Pilipino dahil sa kaniyang Pilipinang nanay habang Scottish-Australian naman ang kaniyang ama.

JULIA MONTES


Si Julia Montes ay mayroon ding lahing dayuhan dahil sa kaniyang ama na isang German. Ang kaniyang ina naman ay mayroong purong dugong Pilipino.

RABIYA MATEO


Si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo naman ay half-Indian at half-Filipina. Indian ang kaniyang ama at Pinay naman ang kaniyang ina.

YASSI PRESSMAN


Half-British at half-Pinay naman si Yassi Pressman o mas hinangaan natin bilang si “Alyana” ng “Ang Probinsiyano”. Isang Briton ang kaniyang ama at Pinay naman ang kaniyang ina.

JESSY MENDIOLA


Ang misis naman ni Lucky Manzano na si Jessy Mendiola ay mayroong dugong Lebanese mula sa kaniyang ama at dugong Pilipino naman sa kaniyang ina.

SOLENN HEUSSAFF


Mayroong dugong French ang ama ni Solenn Marie Adea Heussaff-Bolzico o mas nakilala natin bilang si Solenn Heussaff habang Pinay naman ang kaniyang ina. Siya ay kinasal kay Nico Bolzico noong taong 2016 ay mayroon na silang isang anak, si Thylane Katana Bolzico.

BELA PADILLA


Si Krista Elyse Hidalgo Sullivan o mas nakailala natin bilang si Bela Padilla ay mayroong British na ama at Pinay na ina. Talaga namang hinahangaan din ng marami ang angkin niyang kagandahan. Sa edad na 30 taong gulang ay isa na siyang aktres, film producer, film director, screenwriter, television host, at brand ambassador.

MARIAN RIVERA


Ang ama ni Marian Rivera Gracia-Dantes ay isang Spanish habang Pinay naman ang kaniyang ina. Taong 2014 nang ikasal siya sa kaniyang longtime boyfriend na si Dingdong Dantes at ngayon ay mayroon na silang dalawang anak na sina Baby Ziggy at Zia.

PIA WURTZBACH


Si Miss Universe 2015 ay mayroong dugong German mula sa kaniyang ama at dugong Pilipino naman sa kaniyang ina na isang Pilipina. Talaga namang marami ang humahanga sa angkin niyang kagandahan at kaseksihana. Hindi lamang siya isang mahusay na beauty queen dahil mayroon din siyang pambihirang talento sa pag-arte.

ANNE CURTIS


Si Anne Curtis naman ay mayroong Pinay na ina at Australian na ama. Mayroon pa siyang dalawang mga kapatid na sina Jasmine Curtis-Smith at Thomas James Curtis-Smith. Sa ngayon ay masaya na siyang kasama ang sarili niyang pamilya. Mister niya ang kapatid ni Solenn na si Erwan at nabiyayaan na sila ng isang anak na si Dahlia Amélie.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media