Connect with us

Viral

Mga “love letter” ng isang lola noon pang 1963, labis na nagpamangha sa maraming mga Pilipino!

Published

on

Sa paglipas ng panahon ay marami nang mga bagay ang nadidiskubre upang mas mapabilis at mapagaan ang ating mga buhay. Halos sa lahat ng aspeto ng ating buhay ay talagang malaki na ang pinagbago.

Photo credit: Juan Nieve Facebook

Tulad na lamang halimbawa ng paraan natin ng pakikipagkomunikasyon, kung dati rati ay marami ang kinakailangan pang sumulat ng liham at telegrama, ngayon ay marami na tayong mga messaging apps at maging ang pakikipag-usap gamit ang video chat ay posible na din. Marami na ang natulungan nito tulad na lamang halimbawa ng mga magkasintahan na magkalayo o iyong mga nasa “long distance relationship”, gayundin naman ang mga mag-asawang magkahiwalay dahil sa kailangang maghanap-buhay ng isa sa ibang bansa.

Kahit papaano ay nababawasan ang kalungkutan at pangungulila na kanilang nararamdaman. Ngunit bago pa man madiskubre ang mga makabagong paraan na ito ay marami na sa atin ang nagsusulat ng liham para sa ating mga mahal sa buhay.

Kamakailan lamang ay marami ang namangha dahil sa mga lumang liham na ito ng isang lola na nakita ang kaniyang apo. Taong 1963 pa nang matanggap ito ng lola mula sa kaniyang pinakamamahal na kabiyak.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Juan Nive, apo ng nasabing mag-asawa, ang mga sulat kamay na ito ay “love letters” ng kaniyang lolo para sa kaniyang lola. Habang isinusulat ang artikulong ito ay marami na ang mga taong nagkomento at nag-react sa post na ito.

Talaga namang nakakamanghang malaman na ang mga liham na ito ay halos 58 taon na. Talaga namang marami rin ang kinilig ng mabasa ang kaunting mensahe na nasusulat sa mga liham na ito.

Pebrero 12, 1963 ang nakatalang petsa sa liham at malinaw pang mababasa rito ang mga katagang “Mahal ko, Binabati kita ng magandang araw sa pagtanggap mo ng aking liham na ito…” Talaga namang nakakataba ng puso na makabasa ng ganitong liham, sulat-kamay at talagang mula sa puso ang bawat katagang iyong mababasa.

Sa paglipas ng panahon, marami pa ring mga kababaihan ang nagnanais na makatanggap ng ganitong klaseng liham mula sa kanilang minamahal.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media