Connect with us

Viral

Isang lumilipad na manok namataan sa himpapawid na talagang kinagulat ng marami!

Published

on

Maraming mga nakakamanghang bagay ang nilikha ng Diyos at kabilang tayong mga tao na nilikha niyang kawangis niya. Talaga namang nakakabilib ang mga bagay na mayroong buhay sa ating paligid tulad na lamang ng mga halaman at maging ng mga hayop.

Bagamat wala silang “free will” o maging ng konsiyensiya tulad nating mga tao, nararapat pa din nating pangalagaan at protektahan sila sa abot ng ating makakaya. Dahil ang mga ito ay ipinagkatiwala sa atin ng Diyos kung kaya naman hindi natin ito dapat saktan o abusuhin.

Kamakailan lamang ay talagang nagulat ang maraming mga netizens nang makita ang mga larawang ito ng isang manok na tila ba isang ibon na lumilipad sa himpapawid. Makikita sa Facebook group na “Wildlife a Pasir Ris & Vicinity” ang mga larawang ibinahagi ng netizen na si Adrian Tan.

Ayon sa ilang mga ulat ay mula pa sa Singapore ang mga larawang ito. Para sa maraming mga Pilipino, ang mga manok ay hindi kailan laman nakitang lumipad ng matayog.

Kadalasang mga ibon tulad ng kalapati at iba pang mga ibon ang madalas nating makitang lumipad sa himpapawid. Ngunit ang mga manok ay sa pangingitlog at pagiging ulam lamang natin madalas na ibilang.

Para naman sa ilang mga taong madalas sa lugar kung saan kuha ang mga larawan na ito ay natural lamang daw na makakita ng ganitong mga manok. Kadalasang lumilipad daw ang mga ito upang makatawid sa daan o di kaya naman ay sa ilog.

Samantala, mayroon nang higit sa 1,900 ang bilang ng mga reaksyon sa post na ito habang mayroon na rin itong higit sa 5,800 na mga shares. Sadyang napakaraming mga bagay pa ang naghihintay lamang na ating madiskubre.

Kung kaya naman talagang nasasabik na ang marami sa mas marami pang mga nakakabilib na bagay na ating masasaksihan sa paglipas ng panahon.

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media