Connect with us

Viral

Isang ama na mayroong kapansanan, kumakayod pa rin ng husto bilang isang fishball vendor para sa kaniyang pamilya!

Published

on

Sa buhay, madalas ay marami sa atin ang sumusuko na lamang sa laban ng buhay. Kapag kasi talagang sobrang hirap na ng ating kalagayan at dumating pa sa puntong wala na tayong malapitan ay talagang nawawalan na tayo ng pag-asa.

Ngunit sa kabila pala ng mga pagsubok na ito ay dapat pala na mas maging matatag tayo hindi lamang para sa ating mga sarili kundi lalo na para sa ating pamilya. Marami ang naantig sa kwentong ito ng isang fishball vendor na talagang masigasig pa rin sa pagbabanat ng buto kahit pa nga mayroon siyang kapansanan.

Hindi lahat ng mga katulad niyang may kapansanan ay talagang nagsusumikap at nagtitiyaga pang suportahan ang kanilang mga pamilya. Sa kabila nga ng kaniyang kondisyon ay talagang nakakagawa pa rin siya ng paraaan upang maitaguyod ang kaniyang pamilya.


Naitampok sa GMA Public Affairs Exclusives ang kwento na ito ni Tatay Noel Perez. Mang Weng kung tawagin siya ng kaniyang mga suki.

At talaga namang agad na nag-viral online ang kaniyang ginagawang trabaho. Kwento pa niya, taong 1983 nang maputol ang kaniyang kamay habang nabaldado naman ang isa pa niyang kamay matapos siyang makuryente sa pinagtatrabahuhan niyang construction site.

Sa kabila ng kaniyang mahirap na kondisyon ay talagang nagsumikap pa siyang maghanap-buhay para sa pag-aaral ng kaniyang dalawang anak. Isa sa kaniyang mga anak ay nagtatrabaho na sa ibang bansa ngunit hindi pa rin daw sumasapat ang kinikita nito.

Kailangan pa ring magtrabaho ni Tatay Noel para sa gamutan ng kaniyang misis. Tunay nga na marami ang humanga at bumilib sa kaniyang dedikasyon at sa pagiging madiskarte niya sa buhay.

Hindi siya sumuko at hindi siya pinanghinaan ng loob kahit pa nga maraming nagsasabi na mayroon siyang kakulangan dahil sa kaniyang kapansanan ay pinatunayan naman niyang kayang-kaya niya pa ring gawin ang mga bagay na nagagawa ng isang ordinaryong indibidwal.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media