Connect with us

Viral

Isang aleng bumili ng isda sa palengke, nagulat ng makitang bawas na ng kaniyang binili pag-uwi nito sa kanilang bahay!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, marami nang mga tao ang naloloko ng mga taong walang puso at palaging sarili lamang ang iniisip. Masakit mang isipin ngunit marami na talagang mga tao ngayon na walang pakialam sa kanilang kapwa basta’t magawa lamang nila ang nais nila na makapangloko o makapanglamang ng iba.

Madalas nating marinig sa mga nakakatanda na wala namang maloloko kung walang magpapaloko. Kung kaya naman para na rin sa ating mga sarili ay dapat na mas maging mapanuri tayo bilang mga mamimili upang hindi natin maranasan ang nangyari sa isang netizen na ito.

Hindi kasi akalain ng isang netizen na mararanasan din pala niya ang talamak na pangloloko ng ilang mga tindahan sa pamilihan. Minsang bumili kasi siya ng isda ay nagulat siya ng bigla na lamang nagkulang ang mga hiwa nito nang siya ay umuwi na sa kanilang bahay.

Talaga namang nadismaya siya ng husto dahil sa malayo ang kaniyang bahay mula sa pamilihan. Nakatira kasi siya sa isang isla kung kaya naman hindi rin siya mapamili araw-araw.

Pakiusap niya lang sa mga taong nagtitinda na huwag naman sanang manlamang ng kanilang kapwa. Hindi rin daw tama ang ganitong klase ng mga gawain lalo na kung ikaw ay mayroong negosyo o di kaya naman ay kasalukuyang namamasukan sa isang tindahan.


Mas magiging matagumpay ang isang negosyante at ang kaniyang negosyo kung sila ay magiging matapat sa lahat ng pagkakataon upang mas balikan pa sila at pagkatiwalaan ng mga mamimili. Nagbigay din naman ng babala ang netizen na mas maging maingat sa panahon ngayon at huwag hayaang maloko sila ng mga tao sa kanilang paligid.

Sa hirap ng buhay natin ngayon lalo na at panahon pa rin ng pandemya ay dapat din tayong mas maging masiyasat dahil sa halip na makatipid ay baka mas mapagastos lamang tayo kung hindi tayo magiging mapanuri at maingat.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media